Kuya Kim, feeling relevant sa GMA
Muling pumirma ng kontrata si Kim Atienza sa GMA network. Malaki ang pasasalamat ng TV host dahil sa patuloy na pagtitiwala ng Kapuso network sa kanyang kakayahan. “All I can say is I’m just honored and so humbled na kailangan n’yo pa ako at this point. Ako po ay inspired. My stay here in GMA, I’m just having so much fun. I’m feeling so relevant and I’m feeling so used in a good way and for me to continue for this coming three years, I look forward to it the most,” nakangiting bungad ni Kuya Kim.
Matatandaang halos dalawang dekada ring nagtrabaho ang TV host sa ABS-CBN bago lumipat sa GMA mahigit tatlong taon na ang nakalilipas. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Kuya Kim nang ipadala siya sa Korea ng Kapuso network. “Never in my wildest dreams did I think that I will be a Kapuso. The most memorable in terms of work was when I was sent to Korea to cover the Halloween parade, which turned out to be the biggest tragedy in the decade. We were there before the Korean press,” kwento niya.
Ayon kay Kuya Kim ay nakatagpo siya ng bagong tahanan sa bakuran ng GMA. Lubos din ang pasasalamat ng TV host sa lahat ng mga oportunidad na ipinagkakaloob sa kanya ng Kapuso network. “GMA to me is my home. It is my passion and my meaning. It gives me meaning and relevance in my life, to be able to express what I want to, to the most people, and GMA has given me that opportunity,” pagtatapos ng TV host.
Jomari, nagsilbing inspirasyon ang namayapang Ama
Nakapagtapos na si Jomari Yllana ng kanyang master’s degree sa Public Administration sa Philippine Christian University noong isang linggo. Halos dalawang taon din ang iginugol ng aktor at politiko para sa kanyang kinuhang nakurso. “Mas maganda matapos ko ‘yung gusto kong gawin. The best feeling is giving back to the people na nagsu-support sa akin bilang artista, race car driver, as a public servant, and what better way is tapusin ko ‘yung gusto kongpag-aralan,” pahayag ni Jomari sa ABS-CBN News.
Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinikap umano ng aktor at politiko na makapagtapos upang mas maging handa sa paglilingkod sa kapwa. “Kung gusto mong pahirapan‘yung sarili mo, nasa sa iyo naman eh. Kung gusto mongmapadali sa ‘yo, nasa sa iyo din. All the courses are there, all the options are there. Gusto ko magbigay ng serbisyo sa tao, dapat well-equipped ka na, dapat lagi kayong updated,” giitng konsehal ng Parañaque.
Bukod sa asawang si Abby Viduya ay nagsilbing inspirasyon din kay Jomari ang namayapang ama na mayroong doctorate degree. Matagal ding nakapaglingkod sa bayan noon ang ama ng aktor at politiko. “My father is a neuropsychiatrist and served the military. He was also from UST, in the AFP, also served the PMA for the longest time and he was the chief of medicine of Armed Forces of the Philippines. Walang imposible, tulad ng sabi ng iba, walangimposible sa Diyos. Basta gustuhin mo, kayang-kaya mo‘ yan. Kahit ano, walang imposible sa mundong ito. Kung ano ‘yung gusto mong ma-achieve, may kasamang sakripisyo, pero kayang-kaya,” makahulugang paglalahad ng aktor at politiko. — Reports from JCC
- Latest