Ate Guy, pumayag sa MMFF

Superstar Nora Aunor

Confeeermed?! Totoo bang natuloy na talaga ang cameo ng nag-iisang Superstar Nora Aunor sa kanyang iconic film na Himala na ginawang musical ni Pepe Diokno for the 50th Metro Manila Film Festival?

Maganda ito dahil nagsanib-puwersa ang dalawang National Artists dito - si Ate Guy at Ricky Lee, with the music done by Vince de Jesus.

Makakatulong ba ito sa box-office performance ng naturang pelikula? Sana naman! Ang sure tayo ay mas may gravitas ito with Ate Guy’s presence!

Kukumpirmahin daw ito sa gaganaping presscon ng Isang Himala ngayon.

Maganda ito para sa pelikulang Filipino kung saka sakali.

FPJ ibabalik ng kapuso

So FPJ sa GMA na ulit? Rater pa rin talaga ang mga obra ng ating Pambansang Alagad Ng Sining na si Da King - Fernando Poe Jr. Paano na ang mga teleserye na based sa mga pelikula nito like Ang Probinsyano at Batang Quiapo? Paano kaya ito makakaapekto sa mga proyekto ng artistang sumusunod sa yapak ni FPJ na si Coco Martin?

Rufa Mae, ‘di naging maingat

Nakakawa ang kalagayan ni Rufa Mae Quinto ngayon sa kanyang mga kaso. Ibayong pag-iingat talaga sa pagtanggap ng commercials. Paano na ang pangarap ni Rufa Mae na maging mainstay ng It’s Showtime sana? Talaga bang willing siyang sumurender para ipakitang malinis ang konsyensya niya at biktima rin lang siya?

Pero teka, nasaan na nga kaya si Rufa Mae? Nasa Amerika na ba siya talaga o nasa London?

SB, kasama sa green...

Rated PG ang Green Bones ng GMA Pictures! Sa mga trailer kasi parang seryosong may aksyon na baka pangmatanda lang ito, pero ang saya lang na nakita ng mga taga-MTRCB ang value nitong pampamilyang pelikula nina Dennis Trillo at Ruru Madrid!

Lumabas na rin ang theme song ng pelikula na kinanta ng SB19! Malapit na ba sa masa ang kanyang publicity? Sana umeffect talaga ito dahil ginandahan nila ang pelikula!

Tabing ilog OGS, coming soon na

Lumabas ang post ng pagtatagpo nina John Lloyd Cruz, Paolo Contis at Patrick Garcia at may Coming Soon!!! Nakakaintriga, di ba? Pero ang ganda talaga siguro kung magsasama sila sa isang magandang project!

Nakakataquote:

“My First Boyfriend

“Lord God, I believe that You have been preparing the perfect man for me, Your servant, and I trust that You will bring him into my life when I am truly ready to give and receive love.”

“Now I stand before You with a heart that is open, willing, and eager to love a man who may become my partner in life. I place my trust in Your perfect timing and guidance.”

- Kristel Fulgar on his boyfriend Korean Su Hyuk Ha na nagpa-convert na sa pagiging Iglesia Ni Cristo na kinabibilangan ni Kristel

Show comments