Baron, hinihila nila Ian

Baron Geisler

Ramdam ni Baron Geisler na hinihila siya pataas ng mga kasama niya sa Incognito.

Kaya naman super touched siya na pinagmamalasakitan siya ng mga ito.

“‘Yung mga kasama ko, hinihila nila ako pataas, eh. Paakyat.

“Like si Direk Lester (Ong), the entire team ng Star Creatives, nu’ng mini­ting nila ako with the show, they said, ‘Baron, you know, we just want to help you straighten up your life and we’re here to help you,’” pag-aalala ni Baron sa ginanap na presscon almost a week ago.

Hanggang naging friends na sila ng mga co-star niya at ikinuwento ang ginawa ni Daniel Padilla sa kanya na sobrang na-appreciate niya.  “Bonus pa ‘yung nagtutulungan kami, may relationship kami sa isa’t isa. Like nu’ng I flew to Japan to shoot a movie, nag-message sa ‘kin si DJ, (sabi niya), ‘o pare, lilipad ka, ‘wag kang magkalat diyan, ha?’ That really meant a lot to me, ‘di ba?” banggit pa ni Baron.

“Nakita ko, sobrang laki rin ng changes ni DJ, nag-mature na rin siya,” paliwanag pa ng actor.

Big bro naman ang turing niya kay Ian Vene­racion na hinihingan niya ng payo.

“Si Kuya Ian Veneracion naman is my mentor, big brother. Kapag may mga questions ako about life, napaka-deep ni Kuya Ian,” kuwento pa ni Baron.

“For me, I just want to continue doing my best, giving my all, to be a dependable actor and to just open my heart, hindi lang sa show na ‘to, eh. Kasi nadadala ko ‘yung good attitude, manners, behavior, sa iba pang mga nakakasama kong produksyon.

“So, I’m really grateful sa Star Creatives, ABS-CBN, Direk Lester, everyone, sa buong cast,” pagtatapos pa ng actor na hitsura ngang seryoso na sa buhay.

Show comments