Dennis, hectic sa Pasko

Dennis Trillo

Nalalapit na ang pagtatapos ng Pulang Araw na pinagbibidahan nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo. Masayang-masaya si Dennis dahil naging bahagi ng naturang historical family drama series ng GMA Network. “Masaya ‘yung pakiramdam dahil nakagawa kami ng isang proyekto na malalaman mo ‘yung history ng pagkatao mo, ng pagiging Pilipino mo,” nakangiting pahayag ni Dennis sa 24 Oras.

Abala rin ang aktor ngayon para sa promo ng pelikulang Green Bones mula sa GMA Pictures. Isa ito sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024 ngayong Kapaskuhan. “Sa Christmas day mag-iikot-ikot talaga kami sa mga sinehan, bisitahin ‘yung mga sinehan, magbenta rin siguro ng tickets. Abangan n’yo kami sa ticket booths,” pagbabahagi niya.

Kabi-kabila man ang trabahong ginagawa nina Dennis at Jennylyn Mercado ay sinisikap umano ng mag-asawa na magkaroon pa rin ng oras para sa isa’t isa. Matatandaang nakapagbakasyon sina Jennylyn at Dennis na kasama ang mga anak sa Disneyland noong isang buwan lamang.

Bago mag-Pasko ay muling lalabas ng bansa ang mag-asawa upang makapagbakasyon. “Oo, mabilis lang, quality time naman naming dalawa. Mabilis lang, ilang araw lang ‘yon,” pagtatapos ng Kapuso actor.

Enrique, iniisip na ring maging direktor

Bukod sa pagiging isang aktor at prodyuser ay sumasagi na rin sa isipan ni Enrique Gil ang maging direktor. Ayon sa binata ay hindi pa siya nakahanda para rito kaya kinakailangan pa muna niyang mag-aral ng directing kung sakali. “Hopefully, maybe couple of scenes lang, few scenes lang. I think I need to study for that. I don’t know. I have an eye, but I’m, more of the concept lang eh and more of how the staff goes. But directing, I’m not sure yet but definitely on my mind,” pagtatapat ni Enrique.

Matatandaan na ang I Am Not Big Bird ang unang pelikulang nai-produce ni Enrique. Ngayon ay co-producer din ang aktor ng Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024. “I just wanted to do projects that I wanted to do I think, ‘yun lang. Parang nobody is making it, ‘So sige, why don’t we just produce it on our own?’ Get a team and hopefully we can do it. Instead of waiting for somebody to do it, or hoping to do things like this. Minsan walang mangyayari kapag hindi ikaw ang gagawa,” paliwanag ng aktor. — Reports from JCC

 

 

Show comments