A-list actor, gusto nang magsarili!

Bandang mid of next year ay matatapos na ang kontrata ng A-list na aktor sa isang TV network.

Sabi naman ng ilang napagtanungan namin, tiyak naman daw na ire-renew si aktor dahil sa maganda naman ang mga programa niya at rater naman siya.

Pero ayon sa ilang reliable source, nagdadalawang-isip na raw si aktor na pumirma for renewal dahil balak niyang mag-focus na sa production.

Kaya na rin naman niyang mag-produce kaya posibleng ayaw na niyang nakatali na lang siya sa TV network.

Mala-Vic Sotto raw ang peg nito na karamihan sa mga show niya sa ilalim na kanyang production company.

Tipong ganun na rin daw ang gusto niyang mangyari, dahil may sarili na rin naman siyang production house.

Kuya Kim, iwas pag-usapan ang Showtime!

Napag-usapan muli ang napapabalitang renewal ng It’s Showtime sa GMA 7.

May mga tsikang nagkapirmahan na raw ng renewal at tuloy pa rin ang naturang noontime show nina Vice Ganda sa Kapuso network.

Pero sabi mismo ni Atty. Annette Gozon-Valdes, under negotiation pa rin daw sila. Hinihintay pa rin daw nila ang data ng November na manggagaling sa ABS-CBN.

Hanggang dun lang muna ang nakuha naming sagot, kaya ganun pa rin ang status, at hindi masasabing mananatili ang It’s Showtime sa GMA 7.

Kahapon naman sa media conference ng bagong show ni Kim Atienza sa GMA 7 na Dami Mong Alam, Kuya Kim, tinanong na namin sa kanya ang tungkol sa TiktoClock na ipapalit na raw sa It’s Showtime.

“Mamaya na natin pag-usapan ‘yan!” paiwas na sagot sa amin ng TV host.

Kahit ang ilang taga-TiktoClock ay hindi na rin nagsasalita at ang iba ay wala raw silang alam.

Mas mag-focus daw muna sa Dami Mong Alam… dahil nagsimula na ito na napapanood tuwing Sabado ng 10:45 ng umaga.

Ibang-iba raw itong bago niyang show sa segment niya sa 24 Oras.

“Medyo iba ang treatment. Mas bata. Sanay kayo na i-deliver ang trivia na I am certain na very newsy na medyo ma-twist nang kaunti, eto very Gen Z ito. Ang approach kasi nito very Gen Z.

“Ang kaalaman kasi, isa lang naman ‘yan. The truth is the truth, isa lang naman ‘yan e. Pero how it’s delivered… ‘pag pinanood mo ang show na ito, puwede mong i-upload sa telepono ito at tatanggapin pa rin online. ‘Yun na!

“Ito Gen Z ito, mabilis,” pakli ni Kuya Kim.

Gusto na nga raw niyang i-introduce ito sa mga eskuwelahan para mapag-aralan ng mga bata.

Itong timeslot pala ng Dami Mong Alam, Kuya Kim ay oras ng Maynila ng kanyang amang si Cong. Lito Atienza ng Buhay Partylist.

Ipinalit ang Sarap ‘Di Ba, at ngayon ay ito ng programa ni Kuya Kim Atienza.

Beautederm ambassadors, full force sa birthday ni Rhea Tan

Sa nakaraang birthday ng Beautederm’s CEO Rhea Anicoche-Tan nagkita sina Cassy Legaspi at Darren Espanto.

Sabi ng ilang napagtanungan naming dumalo sa naturang event, natutukso na naman doon ang dalawa, pero sabi naman ni Ms. Rei, magkaibigan lang talaga sila.

May narinig kasi kami noon na nagkatampuhan ang dalawa, pero okay naman daw sila sa birthday party ni Ms. Rei.

Sobrang happy si Ms. Rei Tan dahil parang pa­milya na raw ang turingan nila sa celebrity endor­sers niya dahil naging bahagi siya sa mga nabago sa kanilang buhay.

Ang dami kasing couples na na dumalo sa kanyang birthday party na sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz, Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, Maja Salvador at Rambo Nuñez, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, Ejay Falcon at Janna Roxas-Falcon Vice Governor Alex Castro at Sunshine Garcia.

Nakakatuwa raw na nandiyan siya mga ganitong mahahalagang moment ng kanyang mga endorser na pamilya na ang turing nito.

Kasama nga ni Jennylyn si Dennis sa birthday party ni Ms. Rei, kaya tinanong namin kung soon ba ay magiging endorser na rin nito si Dennis.

Abangan na lang daw namin.

 

Show comments