Richard, international market na ang target!
Minanifest pala ni Richard Gutierrez ang pakikipagtrabaho kay Daniel Padilla.
Naalala ni Richard na nagkita sila ni Daniel sa isang party at sinabi niya sa anak ni Karla Estrada na sana ay magkasama sila sa isang action series.
Hindi nagtagal dumating ang Incognito na eksakto sa kanyang mga pangarap pagkatapos ang matagumpay na Iron Heart. “It’s been a dream project of mine, actually – this kind of concept. Matagal ko nang ni-research ‘yung ganitong klaseng concept about private military contractors. I’ve been a fan of this concept. I’ve been reading books about it through the years and finally, isa ito sa maiko-consider kong dream projects ko. I’ve been wanting to do something like this for a long time,” kuwento ng actor sa ginanap na grand media launch ng Incognito last Friday.
Ang mga PMC ay kadalasang nagbibigay ng mga serbisyo upang sanayin o dagdagan ang opisyal na sandatahang lakas sa paglilingkod sa mga pamahalaan, ngunit maaari rin silang gamitin ng mga pribadong kumpanya upang magbigay ng mga bodyguard para sa mga pangunahing tauhan o proteksyon ng mga lugar ng kumpanya, lalo na sa mga teritoryong may kaaway.
At ganun ang kanilang grupo dito sa Incognito.
Tanggap na raw niya ang pressure lalo na nga ang lakas ng huling serye niya (Iron Heart). “There’s always pressure. And if you wanna succeed in this industry, you have to shine with that pressure, ‘di ba? Pressure is always part of it but there’s a saying na ‘you’re only as good as your last project.’
“But this time around, I’m very thankful that I’m surrounded by a great group of artists, great group of creatives and I think, we’re gonna push the boundaries again with this one. We’re gonna elevate the action once again with this one,” mahaba pa niyang pahayag kaya naman tilian ang fans na nasa Dolphy Theater.
“And I think we somewhat succeeded with Iron Heart. But this time around, we want to elevate even more. Kaya pa namin i-push. With the right timing, right budget, location, and creativity, kaya pa. So, nabigyan kami ng opportunity dito sa Incognito. And I think isa rin sa mga magagandang aspects itong Incognito is we will be showcasing different locations. Ang gaganda ng mga location namin dito talagang kaabang-abang.
“Both the Philippines and international, makikita n’yo ‘yun sa show. And ‘yun, it’s been a dream project of mine, actually. This kind of concept. Matagal ko nang ni-research ‘yung ganitong klaseng concept about private military contractors.
“Dahil talagang markang Pilipino ito. And talagang pinaganda pa para sa audience natin. And it’s a new flavor of action,” pangako pa ng aktor.
Pero aniya hindi lahat sa kanya ang pressure. Nasa kanilang lahat na – Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings and Baron Geisler.
“This time around, ensemble kami, you know. Hindi lang ako ang may pressure. Medyo napapasa ko sa kanila ‘yung pressure,” natatawa niyang sabi.
Gagampanan ni Chard sa Incognito ang papel na discharged ex-navy magkakasama sila sa team nina Daniel, Ian, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada and Baron Geisler.
- Latest