Sikat na chinese businessman, may paalala sa mga artistang nagmamadaling yumaman

Wilson Lee Flores at Dr. Cecilio Pedro

Walang shortcut ang tagumpay.

Ganito ang sagot ng presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na si Dr. Cecilio Pedro ng Lamoiyan Corporation (na ang isa sa mga produkto ay Hapee toothpaste na nagpasikat sa ilang celebrity.

Bilang isang mahusay na negosyante, naitanong kay Dr. Pedro kung meron bang formula upang yumaman kaagad dahil maraming celebrity ngayon ang nadadawit sa investment scam sa pag-aakalang may paraan sa mabilis na pagyaman.

Maraming nagmamadali, hindi lang celebrity, na yumaman sa pamamagitan ng mga investment na sa bandang huli ay nabibiktima ng scam.

Nasa kulungan pa sa kasalukuyan si Neri Naig at nagtatago naman si Ken Chan sa ibang bansa. Si Ricardo Cepeda naman ay nakalabas dahil sa piyansa habang si Luis Manzano ay nalusutan ito.

Pero ‘yun nga, walang shortcut ang pag-akyat sa tagumpay pagdidiin niya, kailangan mong pagtrabahuhan.

Neri Naig

Samantala, nagpapasalamat ang FFCCCII kay Jose Mari Chan para sa kanyang walang patid na suporta sa iba’t ibang socio-civic charitable endeavors.

Pinuri nga ni Dr. Pedro  ang mga kontribusyon ng iconic singer sa isang pagtitipon, na itinampok ang malawak na network ng federation ng 170 Filipino Chinese chambers at magkakaibang organisasyon sa industriya sa buong bansa mula Aparri hanggang Tawi-Tawi.

Ang FFCCCII ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa economic advocacy, calamity relief, libreng medical mission, at suporta ng rural public schools, pati na rin ang pagbibigay ng tulong sa Filipino Chinese volunteer fire brigades na tumutulong sa mga biktima ng sunog at kalamidad sa buong bansa na hindi tinitingnan ang socio-economic background.

Inulit nina Jose Mari Chan at Dr. Cecilio Pedro ang matagal nang pangako ng Filipino Chinese business community na tulungan ang mga kapwa Pilipinong naapektuhan ng mga sakuna at iangat ang mga mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Muli ring nakipagtulungan ang FFCCCII sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Mismong ang FFCCCII president, kasama si Wilson Lee Flores, FFCCCII Public Information Committee chairman, ang nag-abot ng donasyon kay SPEEd president Salve Asis (me ‘yun) para sa Christmas Party for a Cause ng entertainment editors’ group sa isang intimate get-together nitong Biyernes.

Actually, regular ang partnership ng FFCCCII at SPEEd sa iba’t ibang outreach program. Ang pinakahuli nga ay ang two-day outreach program sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora.

Malapit nga ang puso ni Dr. Pedro sa mga taga-showbiz dahil siya rin ang presidente/CEO ng Lamoiyan Corporation, makers ng Hapee Toothpaste at Dazz Dishwashing Paste/Liquid, na dating ineendorso nina Ruffa Gutierrez, Lea Salonga, Angel Locsin, yumaong Master Showman German Moreno, atbp.

Show comments