Enrique, ibang atake ang ginawa sa horror films

Enrique Gil

Mapapanood na ngayong Kapaskuhan ang pelikulang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na pinagbibidahan ni Enrique Gil. Isa ang naturang horror film sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival 2024.

Noon pa man ay talagang mahilig na umanong manood si Enrique ng mga pelikulang nakatatakot ang tema.  “I’m a fan of horror so when I read the script, basta horror, I’m interested already. When we thought about doing the meta style na we’re playing as ourselves. I’ve never done it before so it’s very interesting to be able to shoot it on our own, with our cameras,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Para sa binata ay kakaiba at bago sa Pilipinas ang atake o istilo ng kanilang pelikula. Kabilang din sa MMFF entry sina Jane de Leon, Alexa Miro, Rob Gomez at MJ Lastimosa.

Sa Xinglin Hospital na kilalang haunted place sa Southeast Asia pa kinunan ang karamihang eksena ng bagong horror movie. “It’s never done before in the Philippine cinema so definitely, I really wanted to do it even more. To shoot in a haunted place, sabi ko, ‘Oh my gosh!’ They are at the point they all want to do something different, something exciting, something interesting, and something challenging. I thought that this was the perfect cast. They all bring a different character to the table that i think as a whole, it just completes the story,” paglalahad ng aktor.

Ruby, natupad ang pangarap

Sa Amerika na nakabase ngayon si Ruby Rodriguez kasama ang kanyang pamilya. Nagdesisyon ang dating Eat Bulaga host na lisanin ang Pilipinas at iwanan ang showbiz career para sa pagpapagamot ng lalaking anak. “The reason we moved here is for my son’s medical treatment. Our priority is like, family first. Even you still have a career parang sorry ise-set aside ko ‘yan para sa anak ko. I am willing to start anew and God will not forsake me. I know He will be there so that’s why I left quietly. I didn’t want to be a big deal,” pagbabahagi ni Ruby sa BRGY show ni Bianca Gonzalez.

Nagtatrabaho ngayon ang komedyante sa Philippine Consulate sa California. Masayang-masaya si Ruby dahil muling nabigyan ng pagkakataon na makaarte sa harap ng kamera. Nakabilang ang aktres sa Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Matagal na raw pinapangarap ng komedyante na makatrabaho ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana. “Part of the reason is Alden, and I’ve never worked with Kathryn. So I wanted to experience but the real main reason is because of direk Cathy. I’ve never worked with her and I wanted to work with her. I know all her movies are all phenomenal. I wanted to know the secret why it is phenomenal and now I know,” kwento ng aktres.

Para kay Ruby ay talagang matindi ang chemistry ng tambalang KathDen. Nasaksihan umano ng komedyana kung paano nagkakasundo sina Kathryn at Alden sa maraming bagay. “It is hard to explain but because their personalities, it doesn’t clash, it jives. ‘Yung kanilang pagkatao hindi nalalayo sa isa’t isa. I saw how Kath loves her family. Of course, I know how Alden adores his family. They both value that. Their values are the same that’s why KathDen is different,” pagdedetalye ng komedyana. — Reports from JCC

Show comments