Kuya Kim ‘di bumibitiw sa pagbabasa, magtuturo sa ibang paraan

Kim Atienza
STAR/File

Isang bagong paraan ng masayang pag-aaral ang magbubukas ngayong Nobyembre 30 sa paglulunsad ng GMA Public Affairs ng kanilang pinakabagong infotainment program, ang Dami Mong Alam, Kuya Kim, na mapapanood tuwing Sabado sa GMA Network sa ganap na 10:45 a.m.

Hosted by Philippine Trivia King Kuya Kim Atienza, nangangako si Kuya Kim na dadalhin niya ang mga manonood sa isang masaya at kapana-panabik na paglalakbay ng pagtuklas – na may kahalong entertainment sa mga trivia na magpapalawak ng isip.

“Kuya Kim pa rin ang mapapanood nila, pero ibang flavor naman ng Kuya Kim. Sa mundong ito, kailangan flexible tayo. At sa edad na 58, medyo millennial, Gen Z-ish Kuya Kim naman. Pero ang essence ay pareho pa rin, nagbibigay pa rin ng impormasyon na makabuluhan at magagamit sa pang-araw-araw na buhay,” pangako niya.

Mahilig sa pagbabasa, si Kuya Kim ay palaging mahilig makisawsaw sa kaalaman at trivia. At dahil ang teknolohiya ay naging isa pang lugar para sa pag-aaral, mas niyakap niya ang pag-aaral sa digital na paraan.

“Napakahilig kong magbasa. Dati rati, before social media, I was reading books and magazines all the time. But now, everything has turned digital, I still read books. Ang Kindle ko nandito sa telepono ko, and I watch a lot of videos and podcasts.”

As his fans and followers know, Kuya Kim is very active on social media.

“Social media is a must. Some people say that we should avoid social media because it is bad for mental health. Social media is neutral – it would depend on the person to use it positively or negatively. As much as I could, I would like to be salt and light in social media, and at the same time I follow people who are salt and light as well – so it becomes a positive experience. But being in the public eye, it’s important to be immersed in social media. We have to know the trends, how the algorithm works, how each platform works, and use it to be salt and light to all my viewers and all my subscribers,” katwiran niya.

Para sa pilot episode nito sa Nobyembre 30, itinampok niya ang viral video ng isang mapangahas na snake handler na nakatagpo ng King Cobra. Ibabahagi niya ang kamangha-manghang snake trivia, kumpleto sa mga nakamamanghang visual at ekspertong input.

Para dagdagan ang excitement, dinala ni Kuya Kim ang kanyang alagang ahas para makita at maranasan mismo ng publiko.

Ang episode ay magtatapos sa isang live na pakikipagsapalaran sa pagsubaybay sa isang real-life snake sighting.

Ang nasabing programa ni Kuya Kim ang kapalit ng Sarap Di Ba ni Carmina Villarroel.

Bukod sa Dami Mong Alam, napapanood din si Kuya Kim sa 24 Oras at TiktoClock.

Show comments