Darren at Cassy pinatunayang walang away, birthday ni Rhea Tan star-studded
Awss hindi naman pala true ang mga usap-usapan na nagkaroon ng alitan sina Darren Espanto at Cassy Legaspi dahil sa personal issues.
Pinatunayan nila ito sa star-studded birthday celebration ni Rhea Tan, founder of Beautéderm, na ginanap sa Taupe by Chef Francis Tolentino.
Kabilang nga sina Darren and Cassy sa guests ni Ms. Rhea at nakita sa mga video posting na magkasama sila at wala namang animo’y animosity sa dalawa na kapwa ambassador ng Beautederm.
Nakilalang BBF ang dalawa na minsan ay napapagkamalang may relasyon sila. Pero biglang nag-iba ang lahat na napansin ng kanilang followers sa social media.
Anyway, bukod kina Darren at Cassy, kabilang din sa dumalo sa birthday celebration ni Ms. Rhea ang iba pang ambassador ng kanyang kumpanya tulad nina Maja Salvador with husband Rambo Nuñez, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Ruru Madrid, and veteran actress Lorna Tolentino.
Present din sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Sofia Pablo, and Allen Ansay.
Spotted din sa nasabing party sina Jelai Andres, Darla Sauler, EA Guzman, Shaira Diaz, DJ JhaiHo, Thou Reyes, Alex Castro, Sunshine Garcia, Ervic Vijandre, KitKat, Thia Thomalla, Ejay Falcon, Jana Falcon, and Kakai Bautista.
Ayon sa Beautéderm CEO, ang nasabing celebration ang so far ay most personal celebration niya sa kasalukuyan.
Sinabi rin niyang itinuturing niya ang kanyang sarili na masuwerte na nagkaroon ng mga tunay na mga kaibigan sa showbiz.
“Despite their busy schedules, they took time to celebrate my birthday, for which I am grateful. More than business, I regard them as friends. I’ve watched all of their showbiz projects, but having them on my birthday makes me happy,” aniya.
At bilang bahagi ng kanyang birthday celebrations, ang business mogul ay nag-contribute ng 1 million sa Kasuso Foundation na ilang taon na rin niyang tinutulungan.
“My life’s mission is to serve others. I would like to believe that God rewards me so that I can share it with others. Aging is a natural part of life for me, but helping others is what makes your birthday truly memorable,” pahayag pa ng celebrity entrepreneur.
Sa kabila ng kanyang malaking tagumpay sa industriya ng pagpapaganda, pinananatili niya ang kabaitan at kababaang-loob.
Happy birthday and congratulations, Ms. Rhea.
- Latest