Todo ang pasasalamat ng beauty expert turned movie producer na si Bambbi Fuentes sa pagkilala na ibinigay sa kanilang advocacy film tungkol sa HIV/AIDS na Sugat sa Dugo ng 39th PMPC Star Awards For Movies. “Salamat kay Miss Janice de Belen sa pagtanggap ng papel sa kalagitnaan ng COVID noong 2022, kay Miss Sharmaine Arnaiz na matapos basahin ang script ay nag-oo agad siya, sa aming Dragon Babies na nagpakita ng kanilang mga talent at kay Direk Danni Ugali who was so patient during the entire shoot and of course to my BFF/partner Tine Areola na gumabay sa amin para matapos ang pelikulang ito,” mensahe ni Bambbi na ‘baby’ ang nasabing pelikula.
Ang Sugat sa Dugo ay ipinalabas noong 2022.
Pinagbibidahan ito nina Janice de Belen, Khai Flores, Christa Jocson, Shira Tweg, at Mira Aquino.
Aminado si Bambbi na hindi naging madali sa kanila ng partner niyang si Ms. Tine ang tapusin ang pelikulang ito noon.
In fact, nag-‘fundraising’ siya sa kanyang mga kapamilya at kamag-anak para matapos.
Pero suwerte, bukod sa kanyang family, na-touch siya sa ginawa ni Marian Rivera, na isa sa favorite client niya.
Ayaw magbigay ni Bambbi ng detalye kung magkano ang ‘donation’ ni Marian para sa pelikula.
Kaya naman, talagang tuwang-tuwa sila na napansin at kinilala sina Khai Flores at Shira Tweg na New Male and Female Artist of the Year respectively ng katatapos Star Awards for Movies bukod pa sa mga natanggap na nominasyon ng pelikula.