^

PSN Showbiz

AiAi, matanda na sa crytic posting

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi, matanda na sa crytic posting
AiAi delas Alas
STAR/File

Nag-post ng cryptic message si AiAi delas Alas na tila pinasasaringan ang bagong karelasyon ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan. “The narcissist’s new supply may believe they’ve won your partner, but in reality they’ve only taken your problem” na may “HAHAHAHA” sa dulo na tila nasa kanya ang huling halakhak.

Ang analysis ng mga nagmamagaling sa social media, mukhang pinapalabas daw nito na naging pabigat ang dating mister sa buhay niya at may pumasan na raw na iba.

Pero hindi nagustuhan ng mga tagahanga niya ang post na ito at sinabing mukhang mag-a-ala Pokwang din ito na magiging bitter sa ex.

Akala pa naman daw nila ay maluwag nitong tatanggapin ang naging hiwalayan nila nang ma-interview ito sa programang ni Boy Abunda na Fast Talk with Abunda pero nag-iba ito nang may mga kwento siyang marinig tungkol sa ex.

‘Kaloka.

Sa true lang, hindi na dapat nakikisali si AiAi sa mga ganitong kadramahan sa social media, kung may gusto siyang sabihin diretsahan na agad. Matanda na siya noh.

Pangulong Marcos, ‘di mapagpatol!

Very apolitical ako ever since. Basta ang sinusunod ko, kung sino ang napiling leader natin, ginagalang at nirerespeto ko.

Naniniwala ako na dahil mas marami ang pumili sa kanya kaya karapat-dapat siya. Ang laki ng nakuhang boto ni President Bongbong Marcos kaya naniniwala ako na siya ang leader natin na dapat sundin at igalang.

Hindi ko maintindihan kung paano nasasabi ni Vice President Sara Duterte ang mga pinakakawalan niyang salita laban kay PBBM.

Very proud ako na nananatiling very gentleman si PBBM na hindi nakipagsagutan o nagbigay ng anumang comment na maanghang. Kaya naiisip mo ang laki ng difference ni PBBM kay Papa Digong Duterte na pati babae pinapatulan.

AIAI DELAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with