Seth at Francine, kumakapit, nilalabanan ang pressure!

Seth Fedelin at Francine Diaz
STAR/File

Nilalabanan nina Seth Fedelin at Francine Diaz ang pressure sa pelikula nilang My Future You na isa sa official entries sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.

“At saka, may competition eh, ‘di ba? May competition, but in a good way. At the end of competition naman, contribution namin to lahat. Para sa tao, para sa pelikulang Pilipino. So ‘yun pa rin ang dulo,” mabilis na sagot ni Seth sa press junket kahapon ng movie.

Malalaking pelikula ang katapat nila. May Vilma Santos, Vice Ganda, Judy Ann Santos, Vic Sotto, at marami pang iba.

Pero anong meron at lesson ang My Future You, or advantage para panoorin sa Pasko?

“Parang pinaka-lesson - kung may pagkakataon ka bang pumunta sa past, may babaguhin ka ba para ‘yung future mo mabago or vice versa. So ‘yun ‘yung lesson niya, family, love,” sagot ulit ni Seth.

“Actually isa rin po sa main highlight or story nito ay ano ang kaya mong gawin para sa pamilya mo o mga mahal mo sa buhay. Kahit pa magkaiba ‘yung oras at panahon gagawin mo lahat ng sakripisyo, may babaguhin ka, para maging maayos o magiging magulo hanggang saan ang kaya mo para sa mahal mo sa buhay na hindi lang siya yung basta gusto lang namin ipakita ‘yung chemistry namin or gusto lang namin magpakilig, hindi po ahh yung story na ito, puso talaga ang pinaka-gitna niya, so hindi siya mababaw lang na story,” sagot naman ni Francine sa aming interview.

Paano sila naka-relate sa ginampanan nilang role. “Pamilya. Na napaka-swerte natin pag kumpleto ang pamilya natin. Napaka swerte natin pag may nanay na nagluluto ng almusal mo, meron kang tatay na naghahatid sa school so ‘yun, habang ginagawa ko ‘yung pelikula, habang binibitiwan ko ang mga linya, ‘yun ang nararamdam ko, na napakaswerte natin na kahit ano pang estado ng buhay natin, basta kumpleto ang pamilya, buo ka, buo kayo, ano pang hihilingin mo sa mundo, ano pa ang hihilingin mo, ano pa ang kayang ibigay ng mundo. ‘Yun pa lang sobrang enough na ‘yun na makita mong kumpleto at masaya, ‘yun ang mararamdaman mo,” mahabang paliwanag ulit ng aktor.

Sagot naman ni Francine: “Pinaka-core ng story - dahil bago naman tayo nagmahal ng iba, nagmahal tayo sa mga bahay natin, sa pamilya natin nagsimula.

“And love, ‘yung siyempreng love story ng isang tao, partner, kung hanggang kailan ka maghihintay at kung hanggang kailan ka kakapit,” dagdag naman ni Seth.

First time nila sa MMFF at first time din sa pelikula.

Pero confident si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment sa movie na aniya ay very light at maganda ang story.

“Kasi ako naman confident ako sa movie namin. Because usually Christmas, people would like to find a good story. Something that they can spend watching movies with the family. And I’m sure we can give this one. It’s not just the love story. The narrative is good. Nandyan ‘yung kilig. Nandyan yung feel good and also have good vibes.

“Kasi ang ganda lang ng nangyari sa ending. What she really wanted for the family. It’s a big mystery. Kasi if you see the trailer, parang may mga wishes na kung saan na natupad sa pamilya niya. So there were like a lot of attempts.

“Panoorin niya na lang yung pelikula. How it will end,” sabi pa ni Ms. Roselle.

At bilib siya sa chemistry ng FranSeth loveteam. “I mean there is really very good chemistry between the two.”

Samantala, holding hands na ang dalawa kahapon sa ginanap na junket at maging sa presscon.

Kaya tingin ng lahat sila na.

Lalo na at sinagot ni Seth na kumakapit siya para sa ‘future’ nila ni Francine.

“Hindi na ako lalayo pero may isang pangako lang ako na dapat kong tuparin – ‘yung pangako ko sa magulang ni Francine,” banggit ni Seth.

“Alam naman po natin na hindi biro ang samahan namin. Hindi biro na bawiin ang tiwala ng mga magulang ni Francine. Hindi po biro ang pinagdaanan ko na makaabot ulit dito. Na nahahawakan ko ‘yung kamay ni Francine,” paliwanag ng young actor.

Na kailangan daw niyang patunayan na totoo lahat ang kanyang sinasabi.

“’Yun na lang ang kailangan kong gawin para masabi ko na nandito na siya. So, anong kailangan ko? Lakas ng loob, paninindigan, tapang and respeto, pagmamahal.

“At ‘yun ang mga bagay na hindi mo makukuha ng isang araw, isang buwan,” pahayag pa ng actor “kasi malaking pogi points kapag kakampi mo ang magulang, eh. Malaking pogi points kapag mahal ako ng magulang.”

Na sinagot naman ni Francine na hindi naman talaga sila nagmamadali: “Totoo po, kung nasaan kami ngayon, hindi po namin ‘yun minadali talaga.”

Dagdag niyang paliwanag: “Kung pwede lang talaga, kung kaya naming ma-explain lahat ng napagdaanan po namin para makapag-holding hands kami.

“Ako, po grateful po ako na mayroon akong Seth sa buhay ko. Hindi po kasi biro ‘yung bigyan ka ng Diyos ng someone na matatawag mong best friend,” depensa ni Francine.

Hanggang maging emosyonal ang young actress.

Pero mabilis si Seth: “hindi talaga biro. Alam naman po natin ‘yan, lalo na nun’g mga nakaraan. Hindi po biro na makuha ang tiwala ng mga magulang ni Francine at ni Francine. Sobra ko pong ginalingan. Alam ko kulang pa, alam ko, meron pa ‘kong kayang magawa, alam ko na meron pa ‘kong kayang ibigay.”

Sabi pa ng aktor, “kapag tinatanong kami, ‘kayo na?’ hindi po biro guys, hindi po biro na maging kami agad.”

Pero dama niya na matagal pa raw niya itong tatrabahuhin.

Ok na raw sa kanya na pinapayagan siya ng magulang ni Francine na ihatid-sundo sa school ang dalaga kaya hindi niya raw talaga sisirain ang tiwala ng mga magulang nito.

Anyway, magiging busy sila sa Pasko dahil romantic-fantasy-dramedy na My Future You na isa isa official entries to the 50th Metro Manila Film Festival at bahagi rin ng Regal Entertainment’s 60th anniversary celebration.

Dinirek ito ni Crisanto B. Aquino.

So inexpect ninyo ba na makakasali kayo sa MMFF?

“Hindi po,” sabay nilang sabi.

“Sa totoo lang po, hindi po. Hindi po dahil wala kaming believe sa sarili namin,” sabi ng young actor.

“Actually po dapat din po i-ere na po kami mga September tapos hanggang sa na-move nang na-move, na-cancel nang na-cancel tapos biglang MMFF na pala siya, official entry na ng Regal Entertainment. So, kaya po namin sinasabi na hindi namin ini-expect or hindi namin nakikita ‘yun na makakapasok kami sa MMFF kasi nga po hindi sa amin sinabi noon na para pala sya ipasok ngayon, this year para sa Metro Manila Filmfest. So ‘yun po, pero ngayon grabe halo-halo ang emosyon. Kabado, excited, lahat na po pero most of all, nagpapasalamat kami kasi nabigay samin,” pagtatapos naman ni Francine.

Show comments