Anyare na sa Lost Sabungeros? Heto ang rant ng VP ng GMA Public Affairs, “It never ends. Lost Sabungeros applied for MTRCB review - so we can be screened on television and in select commercial cinemas. But the MTRCB will still not review us due to concerns about sub-judice. They were kind enough to explain the next steps in this process, however. We will comply and hopefully get our rating someday. Meanwhile, grateful for the schools that invited the docu for special screenings.”
Pero paano yun? Makakapag school screening pa rin ba sila? Puwede na bang i- YouTube na ang dokyu man lang?
Rico Blanco, top earner sa Royalties
Nag-gathering na at Christmas party ang Filipino Society of Composers, Authors and Publishers (FILSCAP), na nagko-collect ng royalties from public performances and use of songs in television and radio broadcast and movies. At alam niyo ba kung sino ang pinaka-top earning Filipino composers ng 2023? Sila ay sina Rico Blanco, Vehnee Saturno, Ely Buendia, Lito Camo at Jim Paredes.
Sana talaga patuloy pang maraming bagong kantang OPM ang sumikat! May mga bagong singer-songwriters ba na members ng FILSCAP? Sana. Sana.
Kuya Kim, lalaking walang pahinga
Yung bagong show ba ni Kuya Kim Atienza sa GMA7 ang siyang papalit sa Sarap Di Ba ni Carmina Villaroel? Mukha, kasing Saturday morning ang timeslot nito na magsisimula sa November 30 na.
Grabe, walang kapaguran si Kuya Kim ha, may dalawang daily show na - 24 Oras at Tiktoclock, may bagong weekend show pa na Dami Mong Alam Kuya Kim.
May oras pa siyang magmotor at work out. How to be you po Kuya Kim?
Jimmy tuloy sa Senado
So tatakbo talagang Senador ang singer na si Jimmy Bondoc? Pinaghandaan niya naman ang pagtakbong ito sa halalan.
Nakakataquote:
Ilang reaksyon ng mga netizen na nangyari kay Neri Naig:
“Not so wais na misis Neri. Dami palang tinatago kabulukan sa buhay haha. So kulob”
“Don’t judge Ms Neri right away. Di nyo pa nga naririnig ang side niya. Nabigla din ako sa issue kasi I look up to her as wais na misis.”