Mga Gabi ng Idol

Isa ang namayapang April Boy Regino sa suki noon sa mga radio station kung saan ako naging Radio Jock. (pasok mga suki!) Madalas kasama sa playlist namin ang kanyang mga kanta. Nagbibigay din sya ng oras na pumunta sa mga shows para mag-promote at mangamusta.

Nagpapaunlak din sya sa mga events namin. (pang-finale namin lagi ‘yan!)

Nung magkasakit sya, habang kaya pa nyang umikot sa mga istasyon, at sumalang sa mga concert, ginagawa nya.

Mahal nya ang industriya, at mahal nya ang kanyang mga fans. (hagisan ng cap ‘yan!)

Nitong nakaraang Biyernes, naimbitahan akong maging host ng red carpet premiere ng IDOL: The April Boy Regino Story ng Premiere Water Plus Productions sa Great Eastern Hotel. (may pa water ba ito?!) Isa itong pelikula na nagpapakita ng makulay na buhay ng tunay na idol ng masa at idinirek ni Direk Efren Reyes. (na naka-chika pa si April Boy noon ha!) Ang singer/actor na si John Arcenas ang gumanap bilang April Boy. (mahal na kita, bro!)

Naging emosyonal ang misis ni April Boy na si Madelyn nang ma-interview ko. Pero masaya sya sa ibinibigay na pagpapahalaga ng industrya sa kanyang mister. Bago pa man daw sumakabilang buhay si Idol, ay may go signal na ito na isapekula ang kanyang buhay.

Kaya binantayan nya ang paggawa nito. (may forever daw sa movie!) Showing na ito sa mga sinehan nationwide. (hindi pwedeng, hindi nyo kayang tanggapin ha!)

Ilang araw bago nyan, naimbitahan naman kami nina Rose Garcia, Jun Nardo at Am-bet Nabus sa Grand Launch ng MMFF entry na Uninvited ng Mentorque Productons sa Solaire Resorts North. Tampok dito ang isa ring idol ng publiko at nag-iisang Star for All Seasons, Ms. Vilma Santos. (I love you, Lucky!!!)

Meron din akong ‘di makakalimutang eksena noon kay Ate Vi. (pero ‘di sa movie ha!) Noong nagsisimula pa lang akong TV entertainment host, isa sa una kong coverage ay ang MMFF float parade.

Nagpaunlak agad sya sa’kin ng ambush interview, pagkasampa ko sa float ng Mano po na movie nya. (kahit ‘di naman nya ako knows!) Kahit na umaandar, kumapit lang sya para mapagbigyan ako. (actually late kasi ako dahil ga-ling pa ako sa ibang float!)

Hindi na mabilang ang mga media conferences na napuntahan ko, (invited ako ha, hindi uninvited!) at masasabi ko na ito ang pinakabonggang paandar.

Dinagsa ng mga artista, media friends and maging mga vloggers (umeeksena ha!)

Kumpleto ang major cast (kasama syempre sina Tirso Cruz III, Aga Muhlach at Nadine Lustre!) na ipinagmalaking ipinakita ang kanilang official poster at trailer. (explosive ang drama!)

Hindi talaga mawawala ang kinang ng isang Ate Vi na maliban sa pag-promote sa sariling pelikula ay nanawagan din sa lahat ng manonood na suportahan ang lahat ng entries sa 50th anniversary presentation ng MMFF ngayong Pasko. (invited daw ang lahat ha!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

Show comments