Catriona, nagpakita ng written dreams

Catriona Gray

Ang bongga naman ni former Miss Universe Catriona Gray na nirampa sa kanyang Catriona Gray Legacy Ball ang dress na nagpapakita ng “written dreams” ng kabataan sa Young Focus.

Isa itong fund-raising ball na inorganisa niya para sa non-government organization na layuning magbigay ng libreng edukasyon sa kabataang walang kaka­yanang makapag-aral.

“Every child deserves to have the opportunity to dream and to have access to the resources that equip them to pursue it,” caption niya kung saan pinakita niya ang ginawang proseso sa paggawa ng damit.

Makikita sa damit ni Catriona ang mga sulat-kamay na letter ng kabataan.

Naisip daw niya ito isang umaga noong makabalik siya pagkatapos ng concert niya sa Canada at agad daw niyang naalala ang ginawang tear-stained love letter designs ni Dee Javier.

Laking pasasalamat niya nang pumayag daw ito at gandang-ganda siya sa pagkakagawa nito. 

Matagal na raw niyang pinlano ang legacy ball. Marami na raw silang nagawang programa para sa organisasyon gaya ng feeding programs at nakatulong na raw siya roon sa kanyang sariling paraan tulad ng child sponsorships. Pero ang end goal daw talaga niya ay makakuha ng mas maraming brands at companies na makadiskubre roon.

Consistent nga siya sa kanyang mga adbokasiya at ito lamang ang latest niyang ginawa para matulungan ang kabataan sa Young Focus.

Tinawag nga siyang best queen sa lahat ng pageants ng mga netizen dahil tinutuloy pa rin nito ang adbokasiya niya pagkatapos ng six years na manalo sa Miss Universe noong 2018.

Bongga.

Show comments