Ano ‘yung Violation of Section 8 of Republic Act No. 8799, also known as the “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen, and Associated Persons” na ikinaso kay Neri Naig?
Ayon sa napagtanungan kong abogado, marahil inakusahan siyang nagbebenta ng shares of stock in some corporation na hindi naman siya registered.
Kung arrested ng Nov. 23, malamang pinatikim lang siya ng arrest on a weekend. No bail kasi walang korte kapag weekend.
Malamang may nakaaway ‘yan, ‘di ba? At malamang she’s out on bail na by this time.
Baka lang may preliminary investigation na talaga sa Pasay prosecutor’s office at may resolution na finding probable cause. ‘Yun lang siguro ‘yun, unless may iba pang sabihin si Neri.
Oh magsasalita kaya si Chito Miranda? I doubt!
Juday at LT, may laban
Ang ganda ng trailer ng Espantaho in fairness! Pati si Eugene Domingo ay nagsabi na fans daw siya ni Chito Roño!
Ang galing lang ng shots at teknikal, ang gagaling ng mga artista!
Mukhang may laban itong si Juday (Judy Ann Santos) at LT (Lorna Tolentino) kay Ate Vi (Vilma Santos) at Nadine Lustre ha, whatdyathink?
Ang saya nito sa Gabi Ng Parangal!
Pagbabalik ni Kris, naudlot kaagad
Ano na kaya ang nangyari sa sinasabing pagbabalik ni Kris Aquino sa telebisyon bago matapos ang taon? Did she speak too soon?
Bakit sa isang blind item na nagsasabing imbes na daily ang sinasabing show ng isang sikat na personality ay magiging once a week na lang?
Bakit si Kris Aquino ang hula ng mga tao sa comments section? Totoo kaya ito? Matutuloy kaya ang pagbabalik TV ni Kris finally?
Dear Satan, biglang nanahimik
Pagkatapos manalo ng ilang awards ang Doll House ng MAVX Productions, ang tanong ng mga tao, ano na nga pala ang nangyari sa Dear Satan na dapat pelikulang pang-Pasko? Ano na ang nangyari sa pakikipagbuno nito sa MTRCB at pati na sa Netflix?
Kung sakali, saang platform na kaya ito maipapalabas? Sayang naman ‘di ba?
Nakakataquote: Kirk Bondad, Lotlot
Lotlot si Kirk Bondad sa Mr. World 2024. Hanggang Top 20 lang siya. Hindi na siya nakaabot sa Top 10.
Sabi ni Kirk:
“Well, this didn’t go as planned…
“My time here in Vietnam has been an indescribable ride. My placement wasn’t what I aimed for, and honestly, I’m still not sure where things went off track. Right now, I feel empty on all ends. But I know I gave it my all, and that’s what matters.”
Ang tanong: Susunod nang lalaban si Markki Stroem para sa Mr. Universe. Tama ba ang nasalihan niyang pageant? Sa tingin niyo, mananalo kaya rito si Markki o mag-aala Kirk Bondad siya?