Sold out na ang OgieOke 2 Reimagined na gaganapin sa Newport World Resorts sa Nov. 30.
Ipinost nga ni Ogie Alcasid na sold out na ito.
This time kasi ay makakasama ng King of OPM ang BINI bilang guest.
Matapos nga ang napakalaking tagumpay ng OgieOke noong nakaraang taon, ang beteranong singer-songwriter ay dodoble sa saya, tawanan, at walang aatrasang karaoke favorite.
At ang mga dadalo raw ay maaaring kumanta ng kanyang mga classic hit tulad ng Bakit Ngayon Ka Lang at Nandito Ako, na ginawang mas madaling sabayan.
Nauna nang nabanggit ni Ogie na mabilis niyang napa-oo ni Ogie ang BINI sa OgieOke 2.
“In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” banggit niya.
“Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” biro pa ng OPM singer na ang tinutukoy ay nang i-treat niya ang mga ito sa isang cosmetic store sa Amerika.
“But no, of course, we allotted talent fee for them,” pahabol naman niya.
Kakantahin daw ng BINI ang hit song nilang Salamin, Salamin, and a duet with BINI Maloy.
Kaya naman, sold out na kaagad.