Totoo ba na malabo sa kasalukuyan ang sinasabing magpo-produce ulit ng noontime show for GMA 7 ang TAPE Inc. (Television and Production Exponents Incorporated) na pinamumunuan ni Romeo Jalosjos Sr., former representative of Zamboanga?
Diumano’y nagbabayad pa rin ang dating producer ng Eat Bulaga ng mga utang na naiwan sa Kapuso Network.
Diumano’y almost P800M nga ang naiwang utang sa GMA ng TAPE na kailangang i-settle ng mga Jalosjos.
Naipon diumo ang P800 million mula sa Eat Bulaga at sa pumalit na programang Tahanang Pinakamasaya na hindi nagtagal sa ere.
Paunti-unti naman daw itong binabayaran pero malaki pa rin diumano ang kailangang i-settle kaya malabo raw munang mag-produce ulit katulad sa kumakalat na papalitan ng gagawing programa ng GMA at TAPE ang It’s Showtime.
At for the record ayon sa source, matagal na diumano ang appointment ni Ms. Malou Choa-Fagar sa TAPE pero wala pang official appointment ito at hindi pa raw nakaupo sa kanyang posisyon.
Kamakailan kasi ay naglabas ng statement ang TAPE Inc. na si Ms. Malou ang hahawak ng TAPE Inc.
Retired executive si Ms. Malou ng nasabing kumpanya.