^

PSN Showbiz

Local celeb, takot pang ilantad ang pagiging perimenopausal and menopausal

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Nagiging malaking usapin sa kasalukuyan ang menopause, hindi lang sa ating bansa, kundi ma­ging sa buong mundo.

Lalo na at very vocal dito ang mga sikat na personalidad tulad nina Halle Berry, Oprah Winfrey, Michelle Obama, at Naomi Watts na ginagawang normal ang kanilang mga personal na karanasan gamit ang kanilang malawak na mga platform.

Pero sa ating bayan, walang local celeb na naglalantad sa dinaranas nilang pagbabago sa katawan dulot ng pagme-menopause.

Kaya naman pinapalawig ng ProAge, na gawing normal at ordinaryo ang ganitong usapin o talakayan sa pamamagitan ng pangunguna sa adbokasiya at pagpapataas ng awareness sa menopause.

Kaugnay nito, ang ProAge, isang nangungunang advocacy-based na skincare at wellness brand sa Pilipinas, ay nagsagawa ng isang forum tungkol sa perimenopause at menopause titled Don’t Pause for Menopause.

Suzi Entrata-Abrera

Hosted by TV host Suzi Entrata-Abrera, pinagsama-sama sa nasabing forum ang wellness experts and advocates upang ipagdiwang ang mga babaeng tumatangging mag-pause para sa menopause at sa huli ay nagkaroon ng pagbabago sa kanilang salaysay.

“A lot of brands discuss women empowerment, but not a lot of them talk about empowering women during the perimenopausal and menopausal phases of their lives. This topic has been a taboo, but at ProAge, we aim to shatter the stigma surrounding such conversations and address the needs of women in this demographic,” said Ms. Claudine Viquiera.

Dagdag pa niya : “Women usually experience uncomfortable symptoms like hot flashes, mood swings, and anxiety during perimenopause and menopause. It’s high time that we offer them solutions specifically catering to their experiences.”

Ang mga invited speakers ay kinontra ang mga maling paniniwala at ‘alamat’ o myth tungkol sa menopause at napaliwanagan ang mga dumalo sa iba pang mahahalagang katotohanan tungkol sa paksa.

Nabuksan din ang kanilang isip kung paano ito nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng kababaihan at kung paano mas mahusay na pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang mga sintomas.

Bago matapos ang forum, sinagot din ng mga tagapagsalita ang mga karaniwang tanong tungkol sa menopause upang hikayatin ang mga kababaihan na maging mas confident habang tinatanggap nila ang mga natural na pagbabago sa kanilang mga katawan sa yugtong ito ng kanilang buhay.

Dumalo sa nasabing event sina Dr. Annebelle D. Aherrera, OB gynecologist and a feminine wellness advocate; Michelle Aventajado, Executive Director of Best Buddies Philippines and a ProAge advocate; and Claudine Viquiera, Founder of ProAge and a menopause advocate.

Bilang isang kumpanya na itinatag ng isang babaeng menopause herself, naiintindihan ng ProAge ang pain, anxiety, and struggles ng kababaihang dinagdaraanan ang ganitong bahagi ng kanilang edad.

Kaya’t naglabas daw sila ng produktong makakatulong upang hindi mahirapan ang kababaihang dumaranas ng mga sintomas na developed in Korea but made for Filipino skin – tulad like dryness, sensitivity, breakouts, dullness, and pigmentations.

“Women’s skin goes through a series of changes during menopause, therefore, they should use products that can change with them. They need skincare that is adaptive, potent, and mild, promoting resilience, self-love, and confidence during midlife and beyond,” banggit pa ni Ms. Claudine Viquiera

“ProAge understands what women experience during menopause and we know that their experience with it can also affect their work, marriage, family, and even social life. Through this community, we want to empower women to embrace change naturally and live their life anew as they continue to glow naturally as they age, which we believe is a privilege,” dagdag pa nito.

Ang usap-usapan, may dalawang actress na diumano’y dumaraan sa ganitong bahagi ng kanilang buhay kaya’t kung anu-anong drama diumano ang ginagawa nito sa buhay.

Hindi lang diumano matanggap ng dalawang aktres na nasa kategorya ng perimenopausal and menopausal ang kanilang buhay.

Sa kasalukuyan ay walang celebrity na naglalantad na nahihirapan sila dahil dito.

SHOWBIZ

SUZI ENTRATA-ABRERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with