Kobe, may wish kay Kyline sa pasko

Kobe Paras at Kyline Alcantara

Kamakailan ay naging espesyal na panauhin sina Kyline Alcantara at Kobe Paras para sa Christmas tree lighting event sa San Jose del Monte City.

Masarap umano sa pakiramdam ng dalawa na marami silang mga napasayang Kapuso na dumalo sa naturang event sa Bulacan. “Masaya po talaga na maki-celebrate sa mga Kapuso natin dito,” nakangiting pahayag ni Kyline sa GMA News.

“We are not just the ones that are happy. But we made other people happy. It is my first time doing a Christmas tree lighting,” dagdag naman ni Kobe.

Ngayong Kapaskuhan ay umaasa si Kobe na makakapiling ang mga magulang na sina Benjie Paras at Jackie Forster. “I just hope na makasama ko ‘yung parents ko. I know they’re busy. My mom is in Europe, my dad is busy with as head of his family. Hopefully makasama ko sila. But if not, I’ll be with Kyline and her family,” pagtatapat ng basketball player.

Mayroong gustong mga putahe si Kobe na hinihiling na lutuin ni Kyline para sa kanya. “Sana kahit anong lutuin ni Ky, makain ko. Gusto kitang magluto ‘di ba, hahaha. Lechon, mas hilig ko po lechon, ham, pancit, shanghai,” nakangiting pagbabahagi ng binata.

Robbie, pressured

Sumabak na sa show business ang panaganay na anak nina Robert ‘Dodot’ Jaworski, Jr. at Mikee Cojuangco na si Robbie Jaworski bilang MYX VJ. Kamakailan ay pumirma ng kontrata ang binata sa Star Magic. “Nag-umpisa na ako as a VJ. Unti-unti na tayo pumapasok. I am excited to get to know the other VJs and hosts more,” bungad ni Robbie sa ABS-CBN News.

Nakilala ang pamilyang pinanggalingan ni Robbie sa iba’t ibang larangan. Magaling na basketball player ang amang si Dodot at lolong si Robert Jaworski na kinalaunan ay sumabak ding pareho sa pulitika. Isang magaling na equestrian at aktres naman ang inang si Mikee at parehong pulitiko rin noon ang lolong si Peping Cojuangco at lolang si Tingting Cojuangco. Nagsisilbing inspirasyon para kay Robbie ang pamilya sa karerang kanyang tatahakin ngayon. “May mga offers na pumapasok but it was this year pinag-isipan ko talaga and dinasalan ko decision. Kasi other opportunities presented itself. After seeing my parents and grandparents how they inspire. I realized this might be an opportunity for me to do find a greater purpose and something bigger than just myself. Hopefully learn to inspire others,” paglalahad niya.

Aminado si Robbie na nakararamdam ng pressure dahil sa narating sa buhay ng kanyang pamilya. Kailangan umanong mayroon ding mapatunayan si Robbie para sa sarili. “Minsan nararamdaman ko pressure ‘pag may lumalapit na, ‘Oh maging equestrian ka.’ because of mom or ‘Pasok ka sa pulitika.’ Oh dapat ganyan gawin mo kasi ganito pamilya, o kaya basketball? Lalo na ‘yon, so sometimes I do feel pressure but most of the time it is a good pressure. I am grateful pinanganak ako sa pamilya na marami na ginawa or ambag sa komunidad. They set the bar high as an example to me. Most of the time I am finding my way and discover who I am,” makahulugang pahayag ng binata. — Reports from JCC

Show comments