^

PSN Showbiz

Kathryn, hinanapan ng nega sa outfit!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala na yatang mai-bash ang haters ni Kathryn Bernardo, kaya pati ang gown na suot nang tanggapin ang Snow Leopard Rising Award sa Asian World Film Festival 2024 napagdiskitahan. Sa halip na mag-congratulate dahil siya ang first Filipina actress na tumanggap ng award, pagki-criticize sa suot na white gown ang mababasa.

Mga comment na hindi bagay sa kanya ang gown na suot, mukha raw kurtina. Bakit daw may parang choker sa kanyang leeg.

Isa pang comment, bakit madalas siya naka-white? Mag-try naman daw siya ng ibang color.

Sinundan pa ng bakit daw madalas siya magpakita ng tiyan. Pati nga hairstyle nito, hindi rin nagustuhan at pati makeup may mga puna sila. Kulang na lang pati sapatos na suot ni Kathryn, i-bash.

Tama ang fans niya sa sinabing kahit ano pang kanegahan ang sabihin nila sa aktres, hindi pa rin maikakailang ang HLA nila ni Alden Richards ang highest grossing Filipino film.

Kate, nililihim ang halikan nila ni John

Gawa mismo ni Kate Yalung ang red jumpsuit na suot niya sa premiere night ng Idol: The April Boy Regino Story, kung saan, ginagampanan niya ang role ng wife ni the late April Boy Regino na si Madelyn Regino.

Upon checking Kate’s Instagram, nakasulat ang “Actress/Fashion Designer/Jeweler/Model/Creative Director.” Nakalimutan nitong isama sa DP niya ang pagiging singer dahil singer din ang leading lady ni John Arcenas sa nabanggit na pelikula ng WaterPlus Productions ni Marynette Gamboa.

Sabi ni Kate, inaral niya si Madel para magampanan nang buo ang karakter nito. Inobserbahan niya kung paano ito kumilos, magsalita at pati manamit. Malaking bagay raw na open ito sa pagbibigay ng pointers sa kanya, bagay na nakatulong ng malaki sa kanya at kay director Efren Reyes, Jr.

Walang naging problema si direk Efren sa mga eksenang kailangang kumilos na mag-asawa sina Kate at John dahil matagal na silang magkaibigan. Pareho ring si Tyrone Escalante ang kanilang manager, kaya walang naging problema.

Sa Nov. 27, 2024 na ang showing ng Idol, in cinemas nationwide.

Mas makikila pa natin ang singer na minahal ng marami at kung saan, ginawang theme song ang mga kanta nito kabilang ang popular na Di Ko Kayang Tanggapin na favorite ng marami sa atin.

Maguindanao massacre, ginagawan ng pelikula

Intriguing ang bagong pelikula ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na 58th na tungkol sa 58th victim ng Maguindanao Massacre.

Pagbibidahan ni Glaiza de Castro at Ricky Davao sa direction ni Carl Joseph Papa at sa panulat nina Carl Joseph at Aica Gahinhin.

Kaa-announce lang ng GMA Pictures tungkol sa project, marami na ang nagpakita ng interes. Wish nilang mapanood na ang movie, kaya lang, for next year pa ang playdate nito.

Mala-Lost Sabungeros daw ang feel ng project at kinongratulate nila ang producers at mga taong nasa likod ng project.

ACTRESS

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with