Zia, sobrang Marian

Zia

9 years old na...

Ahh nine years old na pala si Zia.

At ang post ng daddy niyang si Dingdong Dantes : “Happy 9th birthday to our firstborn, Maria Letizia! Lundagin mo lang, beybe!” na ang gamit na photo ay nung sumali siya sa swimming competition.

Parang kailan lang nagbi-breastfeed pa si Marian Rivera kay Zia sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa Paris, France. Parang nag-uumpisa pa lang nung lumakad si Zia na flower girl sa nasabing kasalan.

Pero ayaw nitong sumama sa mga gustong kumarga sa kanya na hindi kakilala.

Ngayon pala 9 na at very Marian daw ang ugali at tingin nila ay lalaking strong woman ito like her mom.

Pagbabalik ni Julia Montes, sa prime video unang ipalalabas

Malapit nang masaksihan ang inaabangang serye comeback ni Julia Montes dahil unang mapapanood ang kanyang bagong drama series na  Saving Grace ngayong Nobyembre 28 (Huwebes) sa Prime Video.

Mula sa mga naghatid ng hit Prime Video drama na Linlang, handog naman ng Dreamscape Entertainment ang makabagbag-damdaming adaptasyon sa 2010 Japanese drama serye ng Nippon TV na Mother na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.

Dito masasaksihan si Julia bilang Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.

Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang dadakip sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng pro­mising child star na si Zia Grace.

Tampok din sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, Fe de los Reyes, pati ang mga premyadong aktres na sina Janice de Belen at Sharon Cuneta.

Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang Mother nang magkaroon ng sari-sarili itong bersyon sa iba’t ibang bansa, gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.

“We are thrilled to announce that ‘Saving Grace,’ our take on the acclaimed Japanese drama ‘Mother,’ is streaming first on Prime Video. This newest feat is a continuous testament to our commitment to showcasing world-class Filipino talent and entertainment to our local and global audiences while engaging them with its heartwarming themes emphasizing the Filipino core values of family and motherhood,” saad ng ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes.

“Nippon TV’s ‘Mother’ will be the honorable first adaptation of our scripted format in the Philippines, marking a significant milestone in our collaboration with the vibrant Filipino content industry. We commend ABS-CBN for their dedication in bringing this powerful story to life, set to premiere on a global streaming service such as Prime Video, showcasing the universal appeal of ‘Mother’ and celebrating the creativity and talent within the Filipino entertainment landscape,” dagdag naman ng Nippon TV execs na sina Yuki Akehi at Sally Yamamoto.

Sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang  Saving Grace sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula Nobyembre 28.

Jose Mari Chan, Jona, and Morissette, may holiday magic sa concert

May ultimate holiday concert gift ang Newport World Resorts, all wrapped in the spirit of The World of Christmas celebration.

Pangungunahan ang yuletide show ngayong taon na “Oh Christmas Tree” ng nag-iisang Christmas crooner himself, Jose Mari Chan, with special guests Jona and Morisette.

Nakatakdang magbigay ang musical superstars ng triple na kasiyaha ngayong Kapaskuhan ng epic one-night concert on December 7 at the Newport Performing Arts Theater.

Tuwing sasapit ang Christmas sa ating bansa, Jose Mari Chan’s music becomes the soundtrack of the season. Ang kanyang timeless yuletide tracks tulad ng Christmas in Our Hearts and A Perfect Christmas are truly in the hearts of both nostalgic music enthusiasts and the young generation eager to feel the festive magic.

Joining him are OPM’s vocal powerhouses  Fearless Diva Jona and  Asia’s Phoenix Morisette in making the concert the perfect musical gift.

Tickets are now available at all TicketWorld and SM Tickets outlets: PHP 8,500 (PLATINUM), PHP 7,500 (SVIP), PHP 6,000 (VIP), PHP 4,200 (GOLD), PHP 2,800 (SILVER), and PHP 1,500 (BRONZE). For inquiries, contact James Edward Rodriguez at 0917 829 2173, Paulo San Jose at 0917 810 5031, Raf Sangco at  0917 807 9387, and JhayR dela Cruz at 0917 818 9847.

Ahh nine years na pala si Zia.

At ang post ng daddy niyang si Dingdong Dantes : “Happy 9th birthday to our firstborn, Maria Letizia!

Lundagin mo lang, beybe!” na ang gamit na photo ay nung sumali siya sa swimming competition.

Show comments