Inamin ni Aga Muhlach na naging conscious siya sa kanyang timbang kaya sinubukan niyang lumayo sa limelight sa nakalipas na mga taon.
Sinadya niya raw hindi magpakita kahit maraming offers sa kanya na mga proyekto.
Habang naka-showbiz hiatus pala siya ay nakaranas pala siya ng eating disorder kung saan nag-binge eating siya at hindi na lumalabas.
Pero ngayon nga ay tinanggap niya ang challenge na magbawas ng timbang ng isang canned tuna kasama si Richard Gomez.
Sigurado nga raw marami ang makaka-relate sa kanya lalo na raw ang mga overweight na nagtatago na lamang daw gaya niya.
Nasa 200lbs na raw ang kasalukuyan niyang weight na dapat ay 170 lbs kaya 30 na lang daw ang kailangan niyang tanggalin.
Ang ganda nga raw nito kung lalabas silang nakahubad kapag naabot na nila ang target na timbang pero irereserba raw nila ito next year.
Pero bukod daw sa aesthetics ay ginagawa raw niya ito para sa kalusugan niya. Bonus na lamang daw na gumanda ang katawan niya.
Bongga. Good luck, Aga and Goma.
Alam kong kaya-kaya n’yong magpapayat at oras na pumayat na kayo, baka mas bongga pa kayo sa ibang mga batang artista natin ngayon na mabilis mga naging mukhang tatay at hindi naalagaan ang sarili.
‘Yan naman talaga ang sinasabi ko sa mga artista natin, dapat matutong mag-alaga ng katawan at hitsura.
Hello... bongga, hinihintay sa streaming
Bongga ang pelikulang Hello, Love, Again ha. Palong-palo sa takilya.
Konti na lang isang bilyon na.
Suwerte naman nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Imagine wala pang isang linggo sa sinehan, ganun na kaagad kalaki ang kita nila.
At nilampasan na nila ang record ng pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Kaya lang hindi ako makapag-comment dahil hindi ko pa napapanood ang pelikula.
Hahaha.
Hihintayin ko munang makarating ito sa streaming platforms bago ko mapanood. Lam n’yo na ang matandang tulad ko, ‘di pwede sa sinehan.
Afraid me na makipagsiksikan.
Kaya wait na lang ako. Pero hindi sa pirated ha. Hahaha. Charsss.