^

PSN Showbiz

Starlet na mahilig makipagtikiman pero ‘di pinatos ng accla!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Makati pa sa gulay na gabi ang starletic na artistang ito. Basta may natipuhang lalaki, kahit may asawa na eh gumagawa ng paraan para matikman!

Ginawa ni starlet ito sa isang executive ng production na may asawa’t anak na. Dahil sa pagpatol niya, hayun, nakipaghiwalay ang asawa ng executive dahil sa nangyari sa starlet at executive.

After ng hiwalayan, may natipuhan si starlet na guwapo at makinis. ‘Yun nga lang, accla!

Walang keber si starlet kung accla ang type niya, huh! Pero hindi siya pinatulan ng accla na happy sa kanyang partner!

Sa ngayon, wala pang balita nang napaugnay si starlet sa lalaki lalo na’t aktibo pa rin siya sa showbiz!

John, puno ng emosyon sa character ni April Boy

Malaking tulong ang boses ng baguhang si John Arcenas na napiling gumanap bilang si April Boy Regino sa bioflick ng yumaong singer na Idol: The April Boy Regino Story ng Waterplus Productions.

Hindi man plakado ni John ang matining na boses ni April Boy na nagpasikat sa kanya, puno ng emosyon ang boses niya nang kantahin ang hit songs ni April Boy sa premiere night ng movie.

Matagal-tagal na rin sa showbiz si John. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng malaking break sa movies gaya ng Idol na dinirek ni Efren Reyes, Jr.

Pero ayon kay direk, celebration of life ng buhay ni April ang movie na dapat sana eh may bahagi pa siya ng ending nito pero nawala na sa mundo.

Feel good at heartwarming ang movie kung saan si Kate Yalung ang lumabas bilang faithful wife ni April Boy na si Ma­delyn Regino.

ACTRESS

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with