HLA humamig na ng P930 million, nalampasan na ang Rewind! Huling partnership na nga ba ito ng ABS-CBN at GMA?
Ang pelikulang Hello, Love, Again starring Kathryn Bernardo and Alden Richards na ngayon ang highest-grossing Filipino movie of all time at nalampasan na ang P924-million record ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ayon sa statement ng ABS-CBN.
Nakapagtala nga raw ito as of yesterday ng bagong box-office record – P930 million sa worldwide box office sa loob ng 10 araw lamang matapos itong ipalabas sa mga sinehan.
Ang unang film collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures ay ipinalabas sa mga sinehan simula noong Nov. 13 kung saan nagsampa ito sa first-day gross na P85 million. Nakamit din nito ang pinakamataas na single-day ticket sales na P131 millio noong Nov. 16.
Ang pelikula ay ipinalalabas din sa Australia, New Zealand, US, Canada, Guam, Saipan, at London. Nag-debut ito sa no. 8 sa US box-office Top 10, kumita ng $2.4 million para makamit ang pinakamalaking opening para sa isang pelikulang Pilipino sa Amerika.
Ito ay palabas na ngayon sa mahigit 1,000 sinehan worldwide.
Samantala, tinanggap ni Kathryn Bernardo ang Snow Leopard Rising Star na parangal mula sa Asian World Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California.
Kinilala si Kathryn dahil sa kanyang passion at taglay na galing bilang artista, at sa pagmamahal sa kanya ng mga manonood at mga tagasubaybay.
“It is such an honor to be here, representing my fellow Filipinos and my home network, ABS-CBN. Thank you so much to the AWFF, my family, my mom—who’s here, my friends, my mentors, and to everyone who has believed in me throughout this journey. May we all continue to tell stories that will touch people’s lives,” sabi ni Kathryn sa kanyang acceptance speech.
Kinikilala ng Asian World Festival ang mga pinakamahuhusay na personalidad at pelikula sa rehiyon, at isinusulong ang kolaborasyon sa industriya ng pelikula.
Pero totoo bang malabo na diumanong magkaroon ng partnership ulit ang ABS-CBN ng Star Cinema at GMA Films?
Ito na nga ba ang huling partnership nila sa pelikula?
Actor, sagana sa botox
Parang sagana sa botox ang mukha ng aktor.
Kitang-kita ito ‘pag naka-focus ang mukha niya sa mga eksena sa pelikulang kasalukuyang ipinalalabas.
Banat na banat at parang wala nang expression ang mukha ng aktor samantalang parang late 20s lang siya.
Usung-uso na ngayon ang Botox at ang mga shot na ito raw ay kadalasang ginagamit upang pakinisin ang mga wrinkle sa mukha. Ginagamit din daw ito upang gamutin ang mga pagpapawis, at iba pang mga kondisyon. Ang mga botox shot ay maaari ring makatulong na maiwasan ang migraine.
Kaya’t hindi lang naman daw ito basta nagpapabanat, may mga ginagamot din ito ayon sa mayoclinic.com. “Botox injections are shots that use a toxin to prevent a muscle from moving for a limited time. These shots are often used to smooth wrinkles on the face. They’re also used to treat neck spasms, sweating, overactive bladder, lazy eye and other conditions. Botox shots also may help prevent migraine.”
At baka naman may migraine ang actor or ibang condition siya kaya panay ang pa-injection.
- Latest