Renewal ng Showtime, inaayos na!

It's Showtrime Hosts.
STAR/ File

GMA exec nagsalita...

Nasa Singapore si Atty. Annette Gozon-Valdez nang maka-text ko siya via Viber kahapon para hingan ng reaksyon sa kumalat na balitang papalitan na ng TiktoClock ang timeslot ng It’s Showtime na magtatapos na ang kontrata sa December.

Sa totoo lang, matagal nang may nagsa-suggest na dapat ay station produced na itong noontime show ng GMA 7.

Ngayon ay matatapos na pala ang kontrata ng It’s Showtime at nabuhay na naman ang isyung ito na kung saan, ang TiktoClock na nga raw ang gagawing noontime show ng GMA 7.

Maliligwak na naman ang It’s Showtime?

Nakausap ko ang ilang staff ng TiktoClock, wala silang ideya sa ganung isyu.

Ang mismong EP ng TiktoClock ang nakausap ko rin sa premiere night ng Huwag Mo ‘Kong Iwan, ayaw naman niyang mag-comment dahil mas mabuting tanungin ko na ‘yung mga boss.

Kahit si direk Louie Ignacio na nandun din sa naturang event ay ayaw sagutin ang isyung ‘yun.

Kaya tinext ko na si Ma’am Annette at inabala ang ginagawa niya sa Singapore.

Aniya, “We are in the process of negotiations now for the renewal of Showtime.”

Kaya nilinaw ko sa kanya kung hindi tatanggalin ang It’s Showtime, at mananatili ang TiktoClock sa kanilang timeslot.

Mas gusto kasi ng mga taga-TiktoClock ang timeslot nila ngayon, para hindi masyadong ma-pressure.

“I do not know who released this info since we are still currently negotiating nga for Showtime’s renewal,” text uli sa akin ni Atty. Annette.

Marami pang kuwentong naglilitawan dahil nandiyan pa rin ang TAPE, Inc. na pinamumunuan na ngayon ni Ms. Malou Fagar.

Pero mas mabuting hintayin na lang natin kung anong noontime show sa GMA 7 ang mapapanood natin sa susunod na taon.

Rhian, sinagot kung ba’t ayaw magdemanda

Napanood namin ang kabuuan ng pelikulang Huwag Mo ‘Kong Iwan ng

Bentria Productions na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Tom Rodriguez at JC de Vera.

Nagkaroon ito ng premiere night noong Huwebes sa Gateway cinema pero sa Nov. 27 na ang showing nito.

Kapag si direk Joel Lamangan ang direktor, hindi talaga nawawala ang social issues na malaki naman ang kaugnayan sa kuwento.

Pero ang isang napatunayan namin sa pelikulang ‘yun ay nandiyan pa rin talaga ang chemistry nina Rhian at JC. Nagkasama ang dalawa sa series ng GMA na La Lola at naging item pa sila noon.

Nandun din sa premiere night si Cong. Sam Verzosa, kasama ang BFF ni Rhian na si Michelle Dee.

Natanong na rin namin si Rhian kung bakit si Cong. SV lang ang nag-file ng complaint laban kay Atty. Star Elamparo na nagsulat tungkol sa isyu ng diumano’y pandaraya sa New York Marathon.

Hinayaan na raw niya si Cong. Sam ang magkaso, dahil para sa kanya hindi na kailangang i-dignify ang ganitong pagkakalat ng sinasabi niyang fake news.

Ani Rhian, “For me, in my own way, I think I adjusted na din naman. I made sure to get a legitimate person from the actual marathon to answer the question.

“I didn’t want to defend myself on my own. Ayun! At saka for me, why pa?

“I mean… I don’t know, I just didn’t feel like I needed to. And at that point parang, it just feels like such an insignificant piece of fake news for me. Ganun.

“Mali naman talaga. I mean, I really do stand against just play that lies especially in the media.”

Nalaman niyang may nagkaso na rin sa kolumnistang ito ng Cyber Libel at naisyuhan na nga raw ng warrant of arrest.

Show comments