^

PSN Showbiz

Libing inararo ng 14-wheeler: Patay tumilapon, 2 sugatan!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Dalawa ang sugatan habang tumilapon ang kabaong na may lamang patay na nakatakda na sanang ilibing nang araruhin ng isang 14-wheeler truck a kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City kama­kalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang biktima na magkaangkas sa motorsiklo na sina Baryl Cruz, 34, driver, residente ng  Sto Cristo, Dasmariñas City at ang angkas nitong si alyas “Jho”.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:10 ng hapon habang convoy ang mga sasakyan ng mga makikipaglibing at ang karo o funeral car lulan ng ­Toyota Hilux at minamaneho ni Roland Camaganacan, 53, lulan ang kabaong may lamang patay na nakatakdang ilibing sa kalapit na sementeryo sa nasabing lugar.

Galing umano sa loob ng isang subdibisyon ang karo at convoy nangbiglang rumagasa ang isang Isuzu Truck (PSU 357) na nakarehistro sa Starcrete Mfg Corp at minamaneho ng driver na si Jerome Russel, 35, ng Navotas City.

Natumbok umano ng truck mismo ang karo ng patay dahilan upang tumilapon ang kabaong. Wasak ang karo na sumabit pa sa unahan ng truck.

Nadamay naman ang isang motorsiklong ­Honda MC (721 OPC) kung saan sakay ang dalawang nabanggit na biktimang sugatan.

Napag-alaman na hindi nakayanan ng preno ng trak dahilan na rin sa pakurba at pababa ang kalsada.

Hawak na ng pulisya ang driver ng trak na sasampahan ng kaukulang kaso.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with