Suportado ni Paulo
Mainit na pinag-usapan ang pagkakapili bilang 2025 Calendar Girl kay Kim Chiu ng isang sikat na alak. Hindi raw inakala ng aktres na mangyayari ito sa kanyang showbiz career. “I’ve never imagined for this to happen, early days in my career, parang imposible. But here I am now, it’s something brave that I did this year. They think it’s about time for me to do this, and I embraced it. Parang in-enjoy ko na every step of the journey. It’s a surprise for me to be able to do this, and I’m very grateful,” nakangiting pahayag ni Kim.
Magkahalong emosyon ang naramdaman ng dalaga nang mabalitaan ang tungkol sa bagong proyekto. Pinaghandaang mabuti ni Kim ang kanyang sexy photo shoot para sa bagong kalendaryo. “More than the physical preparation, it’s more on mental preparation kasi hindi naman talaga ako sanay to do this kind of photo shoot. Gusto ko lang magbigay ng something new to my audience, to my fans, and to experience something I never did. Scary but at the same time, yes! Lahat, kabado talaga ako,” pagtatapat ng aktres.
Suportado ni Paulo Avelino ang pagiging Calendar Girl ni Kim. Ayon kay Kim ay proud ang aktor sa kanyang ginawang pagpapaseksi. “Siyempre proud siya! Siguro, sana. Magkasama kami sa shooting ng pelikula namin sabi niya, ‘Ready ka na ba? Ang sabi ko, ‘Ready ka na ba?’ Nag-congrats siya at nag-good luck. Sana nakapagpahinga daw ako. Supportive naman siya in fairness,” kwento ng dalaga.
Kiefer at Diana, surface level pa lang sa kasal
Naganap ang marriage proposal ni Kiefer Ravena kay Diana Mackey kamakailan. Nangyari ito habang nagbabakasyon ang magkasintahan sa Japan. Sa ngayon ay wala pang detalyeng maibahagi ang basketbolista tungkol sa mangyayaring kasalan. “Wedding plans, wala pa. Very surface level pa lang. Hindi pa talaga namin napag-uusapan since ayun nga kababalik pa lang namin sa Japan. And medyo nagsi-sink in pa rin kung ano ‘yung medyo ano (priority) namin ngayon, ‘yung reality,” bungad ni Kiefer sa ABS-CBN News.
Naging pribado ang magkasintahan sa kanilang relasyon. Matatandaang noong isang buwan lamang din naibahagi sa publiko nina Kiefer at Diana ang tungkol dito. Pagkalipas ng ilang araw ay naganap naman ang engagement ng magkasintahan. Para sa basketball player ay talagang napapanahon na upang pakasalan ang dalaga. “The next chapter of my life, more than anything else siguro it’s the right timing, right person. Nasabi ko na rin sa sarili ko na I think I needed a different sense of motivation, of inspiration into my career so this is it,” giit ng binata.
Masayang-masaya si Kiefer dahil suportado ng kanilang mga mahal sa buhay ang kanilang relasyon. “My family is very supportive. Her family is very supportive. We were just focusing on us more than anything else,” pagtatapos ng basketbolista. (Reports from JCC)