MANILA, Philippines — Nagpaliwanag ang Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto kung bakit hindi siya natuloy sa filmfest entry ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso na Espantaho. Pero walang kinalaman ang festival movie niyang Uninvited kaya hindi niya natuloy ang pagsasama nila ni Judy Ann Santos sa Espantaho.
Naganap ang paliwanag ni Ate Vi sa marangyang media launch ng Uninvited sa grand ballroom ng Solaire North Hotel.
“Nag-meeting naman ako dun. Ang nangyari lang kasi, nagkaroon ng problema sa character na gagampanan ko. ‘Yun lang ‘yon pero inayos naman.
“But I will be honest. While meeting sa movie, I’ll say it, Espantaho, I was also meeting with direk Dan (Villegas) regarding the movie Uninvited.
“The last thing coz they were preparing for the movie…of course, excited din ako to do the movie with Judy Ann (Santos). I love Judy Ann.
“Habang inaayos ang movie, nalaman ko na sinabmit ang script sa first para sa MMFF. Unfortunately, hindi napasok sa first 5. Hindi napasok.
“It was also Atty. Joji who told me, go ahead to do the one with Direk Dan because he is also my son. Sabi ni Atty. Joji, ‘do it and I will watch that movie!’ So dun ho lahat nanggaling ‘yon!” paliwanag ni Ate Vi.
Kaya ginawa ng Uninvited, ayon kay Vilma, “Na challenge ako! I promise we have a good movie!” diin ng Star for All Seasons.
Co-stars ni Ate Vi sa movie sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III at marami pang iba.
Sa grand launch, ipinakita ang official poster at full trailer ng Uninvited na pinalakpakan ng lahat!