Juan Karlos, star-studded ang line-up ng guests sa unang major concert!

Juan Karlos Labajo

Naghahanda na ang singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo, na kilala rin bilang si Juan Karlos, para sa isang importanteng yugto sa kanyang karera na mang­yayari sa SM Mall of Asia Arena sa darating na Nobyembre 29, sa kanyang unang major concert na juan karlos LIVE.

Sa ilalmin ng stage direction ni Paolo Valenciano kasama si Karel Honasan bilang musical director, pangako ng show na once-in-a-lifetime experience ito para sa mga tagahanga ni JK.

Binuhos ni JK ang kanyang puso’t kaluluwa sa paghahanda sa milestone na ito, habang idinidiin niya ang kahalagahan ng pag-enjoy sa proseso sa bawat detalye ng concert.

“Right now, I’m just trying to really enjoy the process, focusing on the flow of the whole show and focusing on the things I do have control over, like the setlist. Mas magiging nervous ako habang papalapit na ang concert,” sabi ni JK.

Nakipagtrabaho si JK kina Valenciano at Honasan upang siguraduhin na maipapamalas sa concert ang bagong aspeto niya bilang isang performer. Sabi pa niya, “We’ll be performing songs that we haven’t performed before, and I’m also going to share the stage with the people I’ve released songs with.”

Makakasama ni JK sa spotlight ang kanyang stellar lineup of guest performers. Una si Paolo Benjamin Guico ng Ben&Ben. Kilala sa kanyang deeply personal songwriting, nakipag-collab si Guico collaborated kay JK sa Tapusin Na Natin ’To nung 2023 – isang track tungkol sa toxic relationships.

Makakasama din ni JK si Zild Benitez. Sumikat si Zild bilang bahista at bokalista ng IV of Spades at ngayon meron na itong matagumpay na solo career. Ang kanyang collaboration kasama si juan karlos sa Gabi mula sa Sad Songs and Bullshit Part 1 album, na lumabas nuong 2023, ang siyang nagpatibay ng kanilang samahan bilang mga songwriters. Ang isa pa nilang collaboration, ang Lunod — na track na ginawa nila kasama ang Ben&Ben noong 2021 — ay tungkol sa emotional turmoil at mental health, at standout ito sa Ben&Ben’s Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno album.

Featured din si Janine Berdin sa concert, na unang sumikat bilang winner ng Tawag Ng Tanghalan second season sa It’s Showtime. Kilala sa kanyang emotional performances at powerful vocals, may collab din sina Janine at JK sa awiting Pancit noong 2022, na bahagi ng three-track Drop 1 project ni JK.

Makakasama din ni JK si Moira Dela Torre naman, na kilala rin bilang isa sa pinakamahusay na songwriters ng kanyang henerasyon. Ang kanyang collab kasama si JK sa awiting Medyo Ako mula sa Sad Songs and Bullshit Part 2 album ay tungkol sa paghihiwalayan.

Kasama rin ang OPM icon na si Gloc-9. Noong 2020, nag-collab sila ni JK sa Sampaguita, isang awitin tungkol sa mga emotional struggles at sakripisyo ng mga Overseas Filipino Wor­kers (OFWs). Pinagsanib ng awitin ang soulful vocals ni JK at ang mga berso ni Gloc-9 – na alay sa mga paghihirap ng mga OFW.

Ang paglalakbay ni juan karlos na nagsimula noong siya ay 13-year-old finalist sa The Voice Kids noong 2014 hanggang siya ay naging isa sa pinakamatagumpay na artists ng OPM ay talagang kamangha-mangha. Matapos ang dalawang solo albums, binuo niya ang bandang juan karlos, na siyang naglabas ng Buwan na isang modern OPM classic. Maliban sa music, nagmarka rin si JK bilang isang aktor sa kanyang paglabas sa mga seye gaya ng Hawak-Kamay, Pangako Sa ’Yo, A Love to Last, at Senior High sa ABS-CBN.

Ang kanyang pagganap sa High Street at sa Netflix film na Lolo and the Kid ay nagpamalas din ng kanyang versatility bilang isang artist.

Ang juan karlos LIVE ay produced ng Nathan Studios, at minamarkahan nito ang unang pagsabak ng studio sa live entertainment ngayong 2024. Kilala ang Nathan Studios sa cutting-edge content nito gaya ng To­pakk at mga series gaya ng Cattleya Killer at The Bagman. At sumabak na din ang studio sa live concerts. Sa tulong ng record label ni JK na Universal Music Group, layunin din ng concert na baguhin ang standards ng mga OPM performances.

Tickets to juan karlos LIVE range from P750 (General Admission) to P8,500 (SVIP). The latter comes with exclusive perks, including a shirt, tote bag, photo opportunity, and signed poster.

Show comments