Alyssa, malapit nang magretiro
Isa si Alyssa Valdez sa mga pinakasikat na player sa larangan ng volleyball. Bilang team captain ay aminado ang dalaga na talagang nakararamdam ng pressure sa tuwing maglalaro ang kanilang team. “Napakahirap din kasi Tito Boy, siyempre napakataas ng pressure. One thing we do in a game, we stay focused and we meditate talaga. Since kilala na namin ang isa’t isa, so we know how to deal with each other. ‘Yung coach namin would give advice kung sino ang ita-target namin. As a team captain, I’m very chill, ‘coz I let everyone to just be themselves,” pagbabahagi sa amin ni Alyssa sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bukod sa pagiging volleyball superstar ay nasubukan na rin ng dalaga ang pagiging host sa telebisyo at mga event. Mayroon na ring sariling candle business si Alyssa. “I am trying to embrace ‘yung growth na nangyayari sa akin. Kasi at the end of the day I’m also planning for the future. Ngayon talaga I’m trying other things, hosting, news anchor and other stuff. I’m trying to divert also and explore the business side of things,” paglalahad niya.
Mahigit dalawang dekada nang naglalaro ng volleyball si Alyssa.
Sa edad na 31 gulang ay naiisipan na umanong magretiro ng dalaga sa nakahiligang sports. “I feel like malapit na rin ako, Tito Boy, kasi at the end of the day, I’ve been playing for the past twenty years already. I want to learn more especially after my injury. Hindi ko na rin tinatanggal sa isip ko na, in reality talaga matatapos at matatapos ‘yung playing time ko,” pagtatapat ng dalaga.
Ruru, ipinagmamalaki ang sandata
Ngayong linggo ay magte-taping nang muli si Ruru Madrid para sa Lolong: Bayani ng Bayan. Inaasahang maipalalabas ang season 2 ng Lolong sa susunod na taon. “Hindi na ako makapaghintay na gawin ulit ito. Sabi ko nga, ito ‘yung programa na nagpabago sa aking buhay. Talagang minahal ko nang sobra. Para balikan ko ang isang bagay na ‘yon, napakasarap sa puso,” bungad ni Ruru sa GMA News.
Bilang paghahanda sa maaaksyong eksena sa bagong serye ay sumabak sa iba’t ibang training ang Kapuso actor. Maipagmamalaki umano ni Ruru ang pinagsanayang mga sandata na kilala sa Pilipinas katulad ng arnis, baston, palakol at punyal. “Gusto kong maipagmalaki ‘yung sariling atin dito sa Lolong and to give inspiration din to younger generation,” giit ng binata.
Masayang-masaya si Ruru dahil nagsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan ngayon. “Napakasarap sa puso at nakaka-humble. Para bang hindi nasasayang lahat ng pinaghihirapan at hardwork na ginagawa ko,” pagtatapos ng Kapuso actor. (Reports from JCC)
- Latest