^

PSN Showbiz

AiAi, sobra pa sa tamang edad, ‘di na kailangan ng mga payo!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
AiAi, sobra pa sa tamang edad, ‘di na kailangan ng mga payo!
AiAi delas Alas at Gerald Sibayan
STAR/File

Mukhang interesadong malaman ni AiAi delas Alas kung ano ang nangyayari sa ex-husband niyang si Gerald Sibayan.

Naglabas ang isang self-confessed scammer at internet personality na ‘wag nating banggitin ang pangalan tungkol sa open letter nito para sa actress-comedienne.

Sinabi nito na may nabuntis na raw si Gerald at hintayin na lamang na ilantad ang bata sa susunod na taon.

Sinabi pa nito na ganon talaga ang buhay na matapos siyang gamitin para umasenso at magkaroon ng Green card sa US ay iiwan na lang ito basta-basta kapag senior citizen na. Pinagpalit daw siya nito sa mas bata.

Pinayuhan pa siya nito na “time will heal you, Madam,” at huwag na raw itong magpauto ulit.

Kaloka naman.

Pero mukhang gustong makipagchikahan doon ni AiAi at interesado siya sa babaeng ipinalit sa kanya kung meron man.

Sa totoo lang ba’t ba ang daming nakikialam sa problema ni AiAi at mister niya? Hahaha.

Tantanan na natin sila.

Matatanda na sila para pakialaman pa natin ang mga kailangan nilang gawin para maka-move on.

Ganun naman talaga sa isang relasyon, hindi lahat ay nakakahanap ng forever.

Iilan lang kumbaga sa showbiz ang ganun.

Kung sana bata pa si AiAi, payuhan niya siya at bigyan ng payo, pero hello, gurang na rin siya noh, like me.

Hahaha. ‘Yun lang at babu na.

AIAI DELAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with