The Wicked, hindi nakaapekto
Hindi pa rin natinag ang Hello, Love, Again, sa magandang box-office performance nito sa kabila ng pagpasok ng Wicked The Movie. Nasa US at tutuloy ng Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa mga premiere nights at block screening ng HLA.
Talagang dito na nagco-concentrate si Alden ‘no? Hindi kaya siya nababahala na ligwak na sa Netflix ang kanyang GMA Primetime TV show na Pulang Araw? Hindi ba siya sasama sa mga school tour dahil itong programang ito ang nangangailangan ng kanyang matinding tulong?
Jillian-Michael, masusubukan na
Ipu-push ba ng GMA ang Jillian Ward - Michael Sager love team? Ok kayang experiment ang My Ilonggo Girl? At sa kalayunan ang kanilang shoot ha, ok ba ito sa budget ng GMA- tandaan, iba ang standard sa visuals kahit limitado ang budget, huwag nang sumunod sa yapak ng Sang’gre kung sakali ha!
Catriona at Pia, may tapatan
May Catriona Legacy Ball for Education on Friday at may Pia Wurtzbach na may Love Gala for people with HIV sa Dec. 3.
May pabonggahan pa ba ang dalawang beauty queens hanggang ngayon? Sana maging consistent sila sa kanilang advocacies.
Lorna, hinahanap sa poster?
May mga nagtatanong sa final poster ng pelikulang Espantaho. Hindi ba si Vilma Santos ang pinalitan ni Lorna Tolentino? Bakit ganoon ang size ng kanyang mukha sa poster? Bakit kasama pa si Chanda Romero sa final layout, nakakahatak ba siya sa audience? Sa huli’t huli, hindi naman sa poster jinu-judge ang worth ng isang pelikula. Sana lang talagang tagisan ng galing at ganda itong pelikulang ito, ‘di ba?
Nakakataquote:
“Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I’m proud of you!
“Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!”
- Dominic Roque to Kathryn Bernardo
- Latest