Patuloy ang box-office success ng Hello, Love, Again. Gumawa ito ng panibagong box-office record matapos kumita ng P131 milyon sa loob ng isang araw noong Sabado (Nob. 16).
Sa kabuuan, kumita na ng P566 milyon sa takilya sa loob ng anim na araw. “We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin parang wala na kaming mahihiling pa,” saad ni Kathryn.
“Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula. No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito,” dagdag ni Alden.
At bahagi raw nang kita ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito.
Samantala, nakatakda naman dumalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival kung saan magsisilbing closing film ang Hello, Love, Again.
Kasalukuyan na silang nasa Amerika
Saksihan ang pagpapatuloy ng kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) sa Hello, Love, Again na napapanood sa mahigit 1,000 na sinehan.