Mga mamamahayag ng GMA, pinadama ang Paskong Pinoy

Makikita sa video na masayang nakiki-bonding sa mga Kapuso stars ang mga personalidad mula GMA Integrated News at GMA Public Affairs, sa pangunguna nina Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, at Mel Tiangco.

Timeout muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang nagpa-feel ng Paskong Pinoy sa mga Kapuso via GMA’s 2024 Christmas Station ID, ang Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.

Makikita sa video na masayang nakiki-bonding sa mga Kapuso stars ang mga personalidad mula GMA Integrated News at GMA Public Affairs, sa pangunguna nina Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, Howie Severino, at Mel Tiangco.

Marami ngang netizens ang natuwa nang makita silang nag-eenjoy at feel na feel ang Christmas vibes sa kabila ng kanilang napakahirap at peligrosong trabaho. Tila ba ibang imahe ang nakita ng madla dahil madalas silang makitang seryosong nag-uulat ng mahahalagang balita sa telebisyon.

Kinagiliwan nga rin ng netizens ang BTS reel ng GMA Network kay Susan Enriquez na enjoy na sumasalok ng taho habang nakikipagkulitan sa mga nasa station ID shoot.  Panoorin ang happy at makukulit na moments ng mga batikang mamamahayag ng GMA sa 2024 Christmas Station ID:  Ganito Ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.

Show comments