Naloka ako sa paggamit ng short video ni Paolo Contis sa isang eksena niya sa pelikula para ibenta ang isang produkto sa Tiktok.
Nakakaloka na ginagamit nila si Paolo para mag-promote ng produkto na nilagyan pa nila ng malisya.
Nakakatawa rin na para bang wala man lang silang respeto kay Paolo bilang isang tao. Akala yata nung gumawa nito pababayaan namin makalusot ito.
Wala silang respeto so dapat huwag bilhin ang anumang produkto na ibibenta nila.
Ang mga ganitong may-ari na nagsa-samantala sa ibang tao ang dapat lang na huwag din bigyan respeto.
Mabuti na lang at mabait na tao si Paolo at para sa kanya hindi malaking bagay iyon, pero para sa nga taong nagmamahal sa kanya, isa itong kabastusan at kawalanghiyaan.
Gusto naming ipaabot sa naturang mga tao na gumawa nito na dapat ninyong tigilan ito dahil we will consult a lawyer regarding this.
Isa itong pagsa-samantala sa karapatan ni Paolo kaya dapat mahinto.
We will take legal action on this, kaya Salve at Gorgy, samahan n’yo kami sa hearing para malaman ninyo bakit nila ginawa ito.
Chelsea, aminadong interesado sa showbiz
Ayan tama ang dama ko na interasado si Chelsea Manalo sa showbiz.
Sinabi niya sa isang interview na pinabasa sa akin ni Salve na interview ni Dyan Castillejo na “I would really like to try that.”
Bongga ‘di ba, sa hitsura ni Chelsea pwede siya sa pelikulang action.
O baka gusto niyang pumasok sa Pinoy Big Brother para mas makilala pa siya ng fans.
Pero ano bang kayang gawin ni Chelsea, I mean marunong ba siyang kumanta o sumayaw? O may experience na ba siya sa acting?
Wow ang dami kong tanong ha. As if interesado akong i-handle siya.
Sadly wala na akong energy na mag-manage ng talent, matagal na akong retired sa pagiging talent manager. ‘Yung mga hina-handle ko ngayon ay ‘yung mga alaga kong loyal sa akin at ayaw umalis kahit sinasabi ko sa kanilang maghanap na sila ng ibang manager.
Pero ayaw talaga nila. Mas gusto nilang ako pa rin ang humawak sa kanila kahit wala naman kaming kontrata.
Yup, wala kaming pirmahan ng kontrata, basta verbal agreement lang kami, na talagang pinahahalagahan nila hanggang ngayon.
Kaya I love my alagas forever.