Kris may pakilig, na-stress sa covid ni Joshua
Nandiyan pa rin ang COVID 19 kaya kailangan pa rin talagang mag-ingat. Kaya kailangan pa rin nating magsuot ng face mask, lalo na ‘yung mga senior citizens ay may comorbidity.
Nasa Instagram story ni Kris Aquino kahapon na nakalabas na pala siya ng hospital, pero napapraning daw sila dahil nagka-COVID na naman si Joshua at na-expose sila ni Bimby.
Pero sa kabila ng mga pinagdaanan ng kalusugan ni Kris, kilig-kiligan naman ang lovelife niya.
Ipinost nito ang kuha ng isang bouquet of flowers na may message na “You had me at hello. I love you…I know.”
Nakakakilig ang pa-surprise na iyun kay Kris, I was no longer in the hospital but this was left for me…Nurse Elle was sent the picture by her former co-nurses. Whoever you are, THANK YOU. Your thoughtful gesture is much appreciated during a stressful time.”
At doon nga niya nabanggit na na-COVID ang panganay na anak.
Kaya dobleng ingat sina Kris dahil sa maselan pa rin niyang kalagayan.
Ken, bawal na bawal na ulit mag-statement
Pinagbabawalan na talagang magbigay ngayon ng statement si Ken Chan.
Pagkatapos niyang mag-post ng statement sa kanyang social media account, inabisuhan na ito ng legal team niyang manahimik na lang.
Sinubukan kasi naming kapanayamin ang Kapuso actor, pero hawak na ito ng kanyang mga abogado dahil mas gusto nilang tahimik na lang.
Hindi lang kasi isa ang kalaban dito ni Ken Chan, kundi may iba pang nag-invest na tahimik lang. Pero meron ding gustong paingayin ang isyung ito para pahiyain lang talaga ang aktor.
Kaya nung naglabas ng statement si Ken, may ilang nag-react at hanggang ngayon ay nagre-repost sila ng mga lumalabas na balita tungkol sa kaso nito. Isa sa mga araw na ito ay magsasalita rin daw sila. Kaya dapat ngang manahimik na lang si Ken para hindi na lumaki at baka kung ano pa ang statement nito ay gagamitin pa laban sa kanya.
Pero marami sa mga Kapuso stars ang nag-aalala na sa kalagayan ni Ken at nagpaparating sila ng mensahe ng suporta sa aktor.
Marami ang nanghihinayang dahil marami pa namang naka-line up na trabaho kay Ken at gusto pa sanang i-produce na pelikula.
Sayang lang talaga!
Ibang tv shows semplang sa rating, mas mataas sa online!
Maganda ang ratings sa mga programa sa telebisyon nitong nakaraang weekend. Malamang dahil nasa bahay lang ang mga tao. Pero mabuti na lang at lumihis sa Metro Manika, pero kinansela pa rin ang pasok noong Lunes.
Napapag-usapan lang namin sa ilang sources namin itong bumababang viewership ng mga programa sa telebisyon.
May ilang mababa ang ratings, pero malakas naman online. Kaya hindi na lang ngayon ang ratings ng Nielsen TV ang kino-consider kundi pati na rin online.
Kagaya nung guesting nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa Family Feud, nakapagtala lang ito ng 9.8 percent lamang. Pero malakas ito sa online, at nag-trending pa nga ang comments ilan.
Nung naglaro naman ang cast ng Bubble Gang sa Family Feud nung nakaraang linggo na kung saan ay pino-promote nila ang kanilang 29th anniversary, naka-10.7 percent ito. Pero hindi ganun kalakas online.
Pero siyempre ang ratings pa rin sa free TV ang basehan ng mga advertiser, dahil wala pa silang measure kung paano makakuha ng ratings online. Binabase lang ito sa dami ng views.
Mabuti at maganda naman ang rating ng part 1 ng anniversary episode ng Bubble Gang nung Linggo na kung saan ay nakakuha ito ng 13.8 percent na rating.
Iilan lang yung mga programang malakas sa free TV at pati sa online. Kagaya nitong Family Feud, ang It’s Showtime at ang Batang Quiapo ni Coco Martin.
Samantala, in-announce na ng GMA 7 na nasa huling anim na linggo na lang ang Pulang Araw.
- Latest