^

PSN Showbiz

Daryl, nagiging epektibo dahil sa mga karanasan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daryl, nagiging epektibo dahil sa mga karanasan
Daryl Ong

Isa si Daryl Ong sa mga kinagigiliwang singer sa kanyang henerasyon. Tinangkilik ng mga tagahanga ang mapusong istilo ng singer sa pagkanta. Matatandaang napasikat nang husto ni Daryl ang sariling bersyon ng  Stay na unang pinasikat noon ni Carol Banawa. “Ni-record ko ‘yon a few days after nag-break kami ng ex ko before. So, I would say effective din ‘yung heartbroken ka habang nagre-record. Especially kung ‘yung kinakanta mong kanta is pangsawi rin. Iba ‘yung emosyon na maitatawid do’n sa song. Genuine ‘yung pakiramdam ng kanta,” pagbabahagi ni Daryl.

Naniniwala ang singer na mas nagiging epektibo ang pagkanta o pagsusulat ng kanta dahil na rin sa mga sariling karanasan at pinagdaraanan sa buhay. “Tingin ko po, kasi si Moira rin eh. ‘Yung album niya na sobrang nag-ano (hit), puro pangsawi eh. Feeling ko kasi nagi­ging outlet din siya ng mga taong may pinagdadaanan. Mas madaling masandalan ‘yung song if it’s something na nagko-comfort or it’s relatable sa nakikinig,” paliwanag niya.

Aminado si Daryl na mayroon din siyang mga ginagayang singer. Pinapanood at pinakikinggan umano ng singer ang iba’t ibang istilo nang pagkanta at saka niya ito gagawan ng sariling istilo. “Ako honestly, meron akong mga ginagamit na inspiration. I like to use the term inspiration kasi hindi ko naman po siya totally gagayahin. So, I won’t deny na nakakuha ako ng idea sa ginagawa niya and I sort of blend it with another artist’s inspiration. Tapos halo po ng sa akin, more of like gano’n po ‘yung approach na ginagawa ko,” pagtatapat pa niya.

Todo ang pasasalamat…

Bukod sa Pilipinas ay napapanood na rin sa iba’t ibang bansa ang Hello, Love, Again  nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Malaki ang pasasalamat ng tambalang Kath-Den dahil sa mainit na pagtanggap ng mga tagahanga sa naturang pelikula mula sa Star Cinema at GMA Pictures. “Maraming, maraming salamat po lahat nang nakapanood na ng Hello, Love. Again  sa mga sinehan. Sobra po kaming grateful sa suportang ipinapakita n’yo sa aming pelikula. Maraming, maraming salamat po,” nakangiting pahayag ni Alden sa ASAP.

Naipalabas ang naturang pelikula sa Amerika, Canada, Guam, Saipan, United Kingdom, Spain, Malta, Ireland, France, Finland, Austria. Nakatakda ring mapanood ito sa Oman, Bahrain, Kuwait, United Arabs Emirates, Kingdom of Saudi Arabia at Qatar ngayong November 21.

Mapapanood din ito sa Hong Kong, Malaysia, Cambodia, Australia, Dubai at New Zealand. “On behalf of the whole team, direk Cathy (Garcia-Sampana), lahat po kami, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat nang nanood at paulit-ulit na nano­nood ng  Hello, Love, Again. Damang-dama po namin ang inyong pagmamahal at suporta. Thank you, guys. Hindi lang sa Pilipinas pero pati po sa ibang bansa,” paglalahad naman ni Kathryn.

Hindi na kinakailangang pumila nang mahaba sa mga sinehan dahil maaari nang magpa-reserve ng tickets online. “Sa mga hindi pa po nakakapanood, find your joy in cinemas. You can skip the long lines po because you can book online. Visit Star Cinema or GMA Pictures Facebook page for complete cinema list,” dagdag pa ni Alden. — Reports from JCC

DARYL ONG

TRENDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with