^

PSN Showbiz

Sandara, hindi pang showbiz ang kabaitan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sandara, hindi pang showbiz ang kabaitan!
Sandara Park

Happy ako na successful ang reunion concert ng grupo nila Sandara Park sa ating bayang magiliw na ginanap sa MOA Arena noong weekend.

Nabuo ulit ang grupo nilang 2NE1 para sa  2024-25 2NE1 Asia Tour - Welcome Back.

Sabi sa akin ng isang kakilala kong nakapanood, ang saya ng concert at nag-enjoy ang lahat sa dalawang gabi nilang concert.

Dahil dyan, naalala ko na naman si Sandara na talagang nag-blowout pa nang bumiyahe kami nila Salve sa South Korea at nabalitaan niyang birthday trip ko ‘yun.

May pa-cake pa siya noon at kinantahan ako ng happy birthday in Korean ha.

Ang liga-ligaya ko noon.

Imagine, ‘yung binigay sa aking importansya ni Sandara kasama ang kanyang road manager at personal assistant.

Kaya talagang alam kong magtatagumpay si Sandara dahil mabait siya sa totoong buhay hindi sa social media lang.

Alam nating lahat na maraming maldita sa totoong buhay pero pag sa social media, animo’y ang bait-bait.

Pero iba talaga si Sandara, kaya forever ko siyang love.

Proof din na mabait siya dahil kahit hindi naman siya official ambassador ng Department of Tourism (DOT), grabe niyang i-promote ang ating bayan ng libre.

Sinasama pa niya ang ibang friends niya na K-pop artist para madiskubre ang magagandang lugar sa atin.

Palakpakan and congratulations Sandara.

Ipagpatuloy mo ang iyong kabaitan. Andito lang kami lagi para sa ‘yo.

ACTRESS

SANDARA PARK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with