^

PSN Showbiz

Joy To The World, ni-remake ng BINI

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joy To The World, ni-remake ng BINI
BINI
STAR/ File

May bersyon ng Joy To The World ang nation’s girl group BINI.

Inilabas ito ng BINI kasama ng paglulunsad ng Cherry On Top Christmas remix noong Huwebes (Nob. 14).

Napapanood na rin ang animated official video ng Joy To The World sa BINI Official YouTube channel.

Tampok dito ang makulay na mga tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko tulad ng pagdiriwang ng Noche Buena, pagsasabit ng mga parol, at iba pa.

May additional lyrics at musika sina Christopher James Moore Lopez o Moophs at vocal coach ng BINI na si Anna Achacoso-Graham sa reimagined version ng Christmas classic song.

Si Isaac Watts ang sumulat ng original version nito taong 1719.

Gaganapin ngayon at bukas ang natitirang dalawang gabi ang Grand BINIverse sa Araneta Coliseum.

Sinusundan naman nito ang latest milestone na tinanggap ng grupo bilang Best Asia Act sa 2024 MTV Europe Music Awards (EMA).

Napapakinggan na ang Joy To The World remake ng BINI sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Kilalang personalidad, laglag din sa survey

Kakalungkot ang standing ng isang kilalang personalidad na kumakandidato sa isang mataas na posisyon sa 2025 midterm elections sa isang survey.

Semplang siya sa survey. As in ang layo niya sa Top 12.

Samantalang, nakakabilib naman ang mga pinaglalaban niya at kilala siya maging ang kanyang pamilya.

Maliit na percentage lang naman ng voting public ang sumagot sa nasabing survey pero mabuti na rin na maghanda si kilalang perso­nalidad para makasiguro ng panalo sa election next year.

BINI

CHRISTMAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with