Fresh na fresh ang naging tawanan, chikahan, at mga istorya ng icon at legend ng bansa sa last episode ng Korina Interviews ni Korina Sanchez na napanood every Sunday sa NET25.
Kahapon nga ay naging guest niya ang National Artist For Literature na si Ricky Lee.
Higit sa 150 na istorya na ang kanyang naisulat at kung isasapelikula ang buhay ni Ricky Lee, tiyak blockbuster ito sa takilya dahil sa mga pinagdaanan niya.
Pero sa rami ng pagbagsak at mga dagok niya sa buhay, namayagpag pa rin si Ricky Lee bilang manunulat hanggang hirangin siya as National Artist!
Samantala, sayang at hindi diumano tinanggap ni Ate Koring ang alok na kumandidatong senador. May mga alok nga diumano sa misis ni dating senador at Interior and Local Government secretary Mar Roxas pero hindi nga raw nito pinatulan.
Ang kakandidato ay ang eldest son ni Mar na si Paolo na tumatakbong kongresista sa unang distrito ng lalawigan ng Capiz na pati raw ang kambal nina Mar at Korina na sina Pepe and Pilar ay ikinakampanya ito.