Emosyonal pa rin si Heart Evangelista nang mapag-usapan ang mahirap na kabanata sa buhay niya nang saktan siya ng mga taong pinagkatiwalaan niya.
Naaawa raw siya sa ‘past self’ niya.
Wala raw itong alam sa mangyayari sa kanya. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin niya napapatawad ang sarili niya, dahil at the end of the day, kahit ang mga ito ang kasama niya noon ay siya pa rin daw ang gumawa.
Sobrang sakit daw itong parte na ito dahil pakiramdam niya ay natutulog siya kasama ang mga loyal soldier niya pero nagising siya na multo na lang. Pinatay raw siya ng mga ito habang natutulog siya.
Masakit daw ito dahil minahal niya ang mga ito nang sobra at naniwala siyang ganon din ang mga ito sa kanya.
Inakala niyang kung maipapakita niya ang worst side niya sa mga ito ay mananaig ‘yung pinakita niyang puso sa mga ito pero iyon daw ang pinakamasakit.
Naka-move on naman daw siya pero dahan-dahan pa rin niyang pinapatawad ang sarili.
Dahil nga raw sa pinagdaanan niya ay wala na raw makakapagpahiwalay sa kanila ng mister na si Sen. Chiz Escudero.
Mukhang totoo nga ang kasabihan na mas masakit ang friendship breakup kesa sa breakup sa karelasyon.
Pero hindi naman sila kawalan kay Heart na ngayon nga ay mukhang nasa mga tamang tao na. Siguradong mami-miss ng mga iyon ang pagiging generous ng Global Fashion Icon na hindi biro kung magbigay ng mga regalo sa mga nagbibigay ng serbisyo sa kanya. Kamakailan nga ay nagpamudmod ito ng Hermes bag sa glam team niya. Bongga.