Nadine, ‘di takot maging horror queen

Nadine Lustre

Napapanood na ngayon sa Amazon Prime Video ang pelikulang Nokturno na pinagbibidahan ni Nadine Lustre. Pinaghandaang mabuti ng aktres ang kanyang karakter bilang si Jamie sa naturang horror film. “Actually, may mga references na ibinigay si Direk (Mikhail Red) na movies na parang pwede naming pagkuhanan ng ideas for Nokturno, especially me,” nakangiting bungad ni Nadine.

Matatandaang nasungkit ng dalaga ang Best Actress Award para sa horror film na Deleter na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2022. Ginawa umano ni Nadine ang lahat ng makakaya upang hindi magkapareho ang istilo ng kanyang pagganap sa bagong pelikula. “In a way kinailangan ko ring humanap ng way para maging magkaiba si Lyra at si Jamie. As in talagang inalala ko ‘yung nuances ni Lyra. Tapos inisip ko na okay ito ‘yung mga bagay na hindi ko pwede gawin this time around. So that works on me,” paglalahad ng aktres.

Para kay Nadine ay walang magiging problema kung nalilinya man siya sa paggawa ng mga nakatatakot na pelikula. “Ako talaga favorite genre ko talaga horror. So aside from manonood ako ng horror movies, matatakot ako sa horror movies. At least this time around kasama na ako doon. Ang fun lang niya kasi sobrang interesting lang ng process niya,” pagtatapos ng dalaga.

Melai, maraming gustong itanong kay Kris

Malaki ang naging impluwensya ni Kris Aquino sa pagiging talk show host ni Melai Cantiveros. Maraming natutunan si Melai mula sa nakilalang Queen of All Media dahil madalas na nagkakasama noon sa programang Kris TV. “Marami akong natutunan sa kanya. Natutunan ko sa kanya na you have to listen. Kapag may ini-interview ka, kailangan marunong ka makinig kasi siyempre ano naman ang flow ng interview kung hindi ka marunong makinig. Tanong ka lang nang tanong. You have to listen to your interviewee. Makinig ka lang sa kanya at doon na mag-flow ‘yung gusto niyang sabihin. Kasi hindi naman pwede na pangunahan mo siya sa gusto niyang sabihin. Dapat talaga comfortable siya. Kailangan masaya niya kinukwento ‘yung kwento niya sa ‘yo. Lagi kaming guest ni Miss Kris and I learned a lot,” pagdedetalye ni Melai.

Isang malaking karangalan para sa komedyana kung mabibigyan ng pagkakataong maging panauhin si Kris sa Kuan On One. “Kung interview-hin ko si Miss Kris, why not? Walang problema. Sobra akong happy kapag mang­yari ‘yon. Kasi si Miss Kris, siya ang ating Queen of Talk Show,” giit niya.

Matatandaang nabisita pa ni Melai si Kris at ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby sa Amerika noong isang taon. Kamakailan ay nakauwi na sa Pilipinas ang Queen of All Media. Patuloy pa rin ang komunikasyon sa pagitan nina Melai at Kris. “Si Miss Kris sobrang sweet. Sabi ko, “Miss Kris, welcome to the Philippines.’ Tapos sabi niya, ‘Aw! You still know my number.’” kwento ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments