Hanggang Top 30 lang ang ating candidate na si Chelsea Manalo sa Miss Universe, tapos ligwak na sa siya sa Top 12 kahit na ang daming nagsasabing Top 2 daw siya sa Preliminary Q&A, anyare?
Pero teka, may title naman siya bilang Miss Universe -Asia? Paano nangyari ‘yun? Eh ‘yung Thailand na nag-Top 5, wala na ba sa Asia? Ano ‘yun, pampalubag loob na award?
May nagsasabi na ‘yung stage raw sa Mexico ang ugliest Miss U stage ever, totoo ba? Eh ‘yung kasama sa Top 5 sinasabihan na behind a Miss U favorite is a strong backer tulad ng Thailand, Venezuela and Mexico? Ultimo nga si Vice Ganda, nagustuhan ang swimsuit parade ni Chelsea, pero ang chinaka ng mga tao (hindi lang si Vice) ang host na si Olivia Culpo.
Ang sabi ni Vice Ganda, “Olivia puyat ako at nakainom. Baka pwedeng wag masyadong malikot hinihilo mo ko at Relax! Go Chelsea!”
Pinoy Playlist Music Fest, kanselado rin!
Na-move ang Sunday concert ng BINI on Tuesday, samantalang ang Pinoy Playlist Music Festival ay nagdesisyon din na i-cancel na ang third day nito after the successful Street concert ni Stell noong Saturday.
Prof, may panawagan
Paano kaya ngayong Lunes, tuloy kaya ang mga may regular taping pa? Malamang interior shots ang gagawin kung kailangan talaga. Iwas exterior shots muna. Tuloy may isang propesor ang nagsabi rin na, “Dear Pilipinas,
“We really need to invest in better weather prediction technology.”
Tama naman, ‘di ba?
TJ, sold-out sa Araneta!
Maganda ang guesting ni TJ Monterde sa All-Out Sundays! Lalo pang nadadagdagan ng masa followers na talagang tutulong sa kanya na magpuno ng Araneta Coliseum, not once but two times in February 2025 at parehong sold-out na ang shows!
Sino kaya sa mga taga-AOS ang finally ay makakasunod sa yapak ni TJ na makakapuno ng Araneta nang legit ha? Sino sa tingin niyo?
Nakakataquote:
Vice, inokray ang outfit ni Catriona
“Natatakot ako baka cooking show tong Miss U! Naka apron si Catriona e,” – Vice Ganda na pumunchline sa backless white outfit ni Catriona Gray sa Miss Universe 2024