^

PSN Showbiz

Followers nina Sue at Mayor Javi, nag-iilusyon ng kanilang balikan!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang shippers nina Sue Ramirez at Victorias City Mayor Javi Benitez, nakakita sila ng pag-asa na puwede pang magkabalikan ang dalawa dahil sa FB post ni Mayor Javi. Nagsaya ang supporters nila na ayaw kay Dominic Roque para kay Sue.

Sa salita nila ang FB post ni Javi, slight naming naintindihan at ang sabi nito, sa mga nag-submit ng application para maging GF niya, closed for renovation ang puso niya. Focus daw siya sa kampanya, kaya mag-relax lang ang mga tsismosa.

Dahil sa sinabi ni Javi na “closed for renovation” nakakita ng pag-asa ang fans nila ni Sue, may chance pa raw silang magkabalikan at hihintayin nila ang araw na sila’y magkabalikan.

Derek, pinepeke!

Ipinaalam ni Derek Ramsay sa kanyang fans ang tungkol sa kanyang fake Instagram account. Nakalagay na Private account ‘yun ni Derek na may 3 posts pa lang, may 1 follower at 2 na kanyang pina-follow.

Pinost ni Derek ang fake IG account niya at sa baba, may warning na “Fake account.”

Ang official IG account niya ay may blue check mark at may 1M followers na.

Kinailangan niyang ipaalam na may fake account siya at baka nga naman gamitin sa masamang paraan, eh uso pa naman ang fake ngayon.

Samantala, gusto nang makita ng netizens ang face ng baby girl nina Derek at Ellen Adarna na si Baby Liana, kaya lang, parang matagal pa ang face reveal. Ini-enjoy pa ng parents na sila na muna ang nakakakita sa baby nila. Si Derek, enjoy sa pagiging daddy at feel ito sa mga caption niya sa photo post ng baby nila.

Chelsea, itinanggi ang kanyang X!

Mabilis ang paglilinaw ni Miss Universe Asia Chelsea Manalo na wala siyang X account, ito ay pagkatapos may mag-post sa X na gamit ang kanyang pangalan.

Sabi niya, “Hello, everyone! I don’t currently have an X account. This isn’t my official profile. Maraming salamat sa suporta, Pilipinas.”

Nag-post kasi sa X ang fake Chelsea, “I did my best, but my best wasn’t good enough, sorry Philippines. But thank you for all the love and support. I wouldn’t be here without any of you. Everything happens for a reason. Our time will come, maybe next year...”

Samantala, hindi masaya ang mga Pinoy sa title ni Chelsea na Miss Universe Asia at halata raw na pampalubag loob lang sa mga Pinoy.  Mas dapat daw si Miss Thailand ang Miss Universe Asia dahil pumasok ito sa Top 12.

May mga sumang-ayon sa comment na ‘yun at may nag-disagree. Dapat daw maging masaya na lang ang Pilipinas na may inuwi pa ring title si Chelsea.

SUE RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with