Chelsea Manalo, natalo
MANILA, Philippines — Uuwing luhaan si Chelsea Manalo matapos niyang maligwak sa Miss Universe 2024 kanina sa Mexico.
Natapos si Chelsea sa kumpetisyon bilang parte ng Top 30.
Bagama't maganda ang ipinakitang performance ni Chelsea sa swimsuit competition, hindi siya pumasok sa Top 12.
Nagpasalamat naman ang mga netizen kay Chelsea sa pagrerepresenta sa Pilipinas sa Miss Universe.
Samantala, hindi naman pumasok sa Top 30 ang iba pang kandidata na may lahing Pilipino na sina Shereen Ahmed ng Bahrain, Christina dela Cruz Chalk ng Great Britain at si Victoria Velasquez Vincent ng New Zealand.
- Latest