Parang surreal pa rin kay Vhong Navarro na nairaos nila last week ang reunion concert ng Streetboys - SB90s - sa New Frontier Theater.
Aniya sa isang post : “Thank you, Lord! Hanggang ngayon ang hirap pa rin paniwalaan na natuloy at naging successful ang concert ng Streetboys. Sa mga nanuod at nagbigay ng oras, 31 years na kami pero patuloy niyo pa rin kaming sinusuportahan at minamahal. Maraming salamat sa inyong lahat at sana nag-enjoy kayo.?
“Nagpapasalamat din kami sa lahat ng nakasama at bumuo ng concert namin. Saludo kami sa effort ninyo. Mabuhay kayong lahat!
“…sa Ateam and Kuya Ogie, ikaw lang ang nagtiwala at nagpalakas ng loob namin na ituloy ang concert.
“…Direk Paolo V. at sa lahat ng amazing team at crew mo, binigyan mo ng buhay at higit pa ang vision ng grupo.
“…Showtime Team - Alex, Karla, Christian, Trina, Aica and Vin, we feel the LOVE. Umaapaw pa.”
Nauna nang inamin ni Vhong na natakot sila sa nasabing reunion concert na bukod sa baka walang manood ay kung kakayanin pa nilang sumayaw.
Na in all fairness ay natapos nilang walang napilayan.
Hahaha.