Kasalukuyang nasa Australia si Coco Martin para sa gaganaping TFC Happy Hour ngayong araw. Magpapasaya ang aktor at direktor sa mga kababayan nating dadalo sa naturang Philippine Chistmas Festival sa Sydney. Kasama ni Coco ang ilang mga katrabaho sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo. “Sisiguraduhin namin na paliligayahin namin sila at sulit ang paghihintay nila dahil talagang naghanda kami para dito. Siyempre ikukuwento ko sa kanila paano nagsimula paano nagiging successful ‘yung mga show. Siyempre dahil sa suporta at pagmamahal nila sa lahat ng hirap. Kasi masarap panoorin ang mga teleserye, mga programa ng ABS-CBN pero kung alam lang nila gaano kahirap ‘yon gawin,” nakangiting pahayag ni Coco sa ABS-CBN News.
Kailangang pakaabangan ng mga tagahanga sa Sydney ang gagawing pagtatanghal ng aktor at direktor. “Ako naman gagawin ko ang lahat, sing and dance at kung anu-ano pa para lang makabawi at nakakapagpasaya sa lahat ng pagmamahal na binigay na binigay at ipinakita nila sa amin. Kaya ito na ‘yung pagkakataon para makapagpasalamat kami sa kanila,” pagbabahagi niya.
Mag-iisang taon nang napapanood ang FPJ’s Batang Quiapo sa Pebrero. Ginagawa umano ni Coco ang lahat nang makakaya upang mas maging kaabang-abang pa ang mga eksena sa serye. “Itong November, abangan n’yo ang mangyayari sa karakter ni Lena (Mercedes Cabral) sa pasabog niya. Talagang sa lahat ng mga mangyayari sa character ni Tess (Cherry Pie Picache), Rigor (John Estrada), Lola Tindeng (Charo Santos-Concio). At siyempre, ‘yung takbo ng character ngayon ni Tisay (Barbie Imperial) at ni Tanggol,” pagdedetalye ng aktor at direktor.
Kylie, walang planong ilantad ang karelasyon
Magdadalawang taon nang kasintahan ni Kylie Verzosa ang isang non-showbiz guy. Masayang-masaya umano ang dalaga sa pribado nilang relasyon ng nobyo. “He is a very private person. We both decided to keep it like this. Honestly, it is so much better and so much peaceful. Walang pressure, I don’t feel the need for the public to see the relationship. Mas na-appreciate ko ganito lagay,” makahulugang pahayag ni Kylie.
Matatandang kontrobersyal ang naging hiwalayan ng beauty queen-actress ay Jake Cuenca noong 2022.
Tumagal ng tatlong taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Suportado ng karelasyong nasa e-commerce industry si Kylie sa lahat ng kanyang ginagawa sa show business. “He has been so supportive of everything I do. Since Sola is an e-commerce business, he has been helping, I am so happy. I am growing as a person. I am learning so much from him. I am really happy,” pagtatapos ng dalaga.
(Reports from JCC)