Umiiral ang pagiging makunat ng isang female singer hanggang sa abroad lalo na kapag may shows sila.
Palibhasa kilala at may hit songs din, ginagawa niya itong bentahe para malibre sa mga Pinoy hairdresser kapag may lakad siyang iba.
Eh maraming Pinoy na accla sa abroad na negosyo ang salon na malakas sa foreigners.
Minsan, inalok si singer ng acclang hairdresser na pumasyal sa salon niya para ayusan ng kanyang staff.
Go naman si girl para walang mabawas sa pera at tip na lang ang ibibigay. Naganap ang ayusan.
Nang matapos, sinabihan ng singer ang kasamang alalay na bigyan ng tip ang nag-ayos sa kanya. Nang binigay ang tip tiningnan ng hairdresser, shocked at ipinabalik sa female singer ang ibigay!
Aba, ikaw ba naman ang bigyan ng two dollars na kulang pa sa dapat ibigay na tip lalo na sa ganung trabaho sa abroad, huh!
Hayun, kumalat tuloy ang pagiging kuripot ni female singer na umabot na sa abroad, huh!
Produ, dedma sa mga kritiko
May mga movie critic na hindi nagustuhan ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards base sa panlasa nila.
Eh kumikita ang movie ayon sa posts ng involved sa movie. Nag-set ng record.
Pangit naman kasi kung hindi papasukin ng tao ang movie lalo na’t sequel ito.
Keber ba ng producers sa mga kritiko. Maligaya naman ang fans at papunta na sila (producers) sa bangko para magdeposito ng pera, huh!
Remember, show business is a big business! Pera muna bago kritiko!